Nakakulong ngayon ang may-ari ng isang publishing company dahil sa hindi pagbabayad at pagreremit sa Social Security System (SSS) ng kontribusyon para sa kanilang mga empleyado pati na ang  Employees’ Compensation (EC). Ito’y matapos na paigtingin ng ahensya ang kampanya sa paghahabol sa delingkwenteng employers na lumabag sa Social Security Act of 1997.  kasama ang Philippine National Police (PNP) inihain ng SSS ang dalawang warrants of arrest noong nakaraang linggo laban sa dalawang delingkwenteng employers na ayon sa pinal at executory na kautusan ng korte ito’y mayroong probable cause.

Ito ay isang babala sa mga employer na walang sinuman ang mas makapangyarihan sa batas at hindi papayag ang SSS sa patuloy na pagwawalang-bahala sa social security protection ng mga miyembro, ayon kay Chairman Dean Amado D. Valdez.

Hinatulan ng Makati Regional Trial Court sina Victor A. Caluag, ang kanyang 83-taong ina na si Conchita, at Ma. Antonietta R. Henson, miyembro ng Board of Directors ng Silver Stream Publishing Corporation, sa hindi pagbabayad ng kontribusyon sa SSS. Subalit, ang akusadong si Antonietta Henson ay hindi pa nahuhuli at ang kaso laban kay Realiza G. Henson ay inilagay muna sa archive dahil hindi pa siya nahaharap sa hukuman para sa pagsasakdal.

Batay sa desisyon, hindi sinunod ng mga akusado ang kondisyon ng kanilang piyansa at hindi sumipot sa mga pagdinig sa korte kahit na binigyan sila ng notice, kaya nag-isyu ang korte ng bench warrants laban sa kanila. Noong January 19, inaresto ang mga Caluag sa kanilang bahay sa Bel-Air Village, Makati City.

“Gagamitin ng SSS ang lakas ng batas para hanapin ang mga delingkwenteng employers na may nakasampang kaso laban sa kanila dahil kailangan nilang panagutan ang hindi pag-report ng kanilang mga empleyado, hindi paglalabas ng mga dokumento, at hindi pagbabayad ng prima pati na ang mga bayad sa utang sa SSS ng kanilang mga empleyado,” sabi ni Atty. Stella Berna Valentona-Inacay, Officer-In-Charge, NCR South Operations Legal Department.

Sa simula ng buwan, inanunsyo ni Dean Valdez na magpapatupad ang SSS operation “tokhang” bilang isang paraan ng pangongolekta. Sa ilalim ng mekanismong ito, maglalabas ng show cause order ang SSS sa mga delingkwenteng employers para bigyan sila ng pagkakataon na sumunod sa SS Act. Kung hindi, sasampahan sila ng kaso.

“Ang warrants of arrest laban sa mga Caluag at Lim ay simula lamang ng pinalakas na paghahabol ng SSS sa mga delingkwenteng employers. Hindi kami titingil hanggang hindi natututunan ng employers ang kahalagahan ng pag-rehistro at pag-report sa kanilang mga empleyado gayundin ng pagbabayad ng buwanang kontribusyon sa SSS, kung hindi ay mahaharap sila sa civil at criminal charges dahil sa paglabag sa SS Law,” sabi ni Dean Valdez.

Idinagdag ni Dean Valdez na ilalabas sa media ang pangalan ng mga nagungunang delingkwenteng employers.

Mula 2010 hanggang unang semestre ng 2016, gumawa ng mga ligal na hakbang ang SSS gaya ng pagbibigay ng demand letters at pagsasampa ng kaso sa halos 34,000 delingkwenteng employers. ng SSS ay nakapagpanalo ng 41 na kaso laban sa mga employers kung saan umabot sa P61.66 milyon ang makokolekta ng SSS.