image

Pinangunahan ni Dr. James Dy, Presidente ng Chinese General Hospital & Medical Center, ang isinagawang Media Force Chinese New Year Party na ginanap sa MRI Conference Hall nitong nakaraang January 31, 2017. Kasama dito ang President ng Media Force na si Renato Dilig “Atong Balatong,” isa sa Anchorman ng DWDD Armed forces Radio, at mga opisyal at miyembro ng nasabing grupo. Dumalo sa nasabing okasyon  bilang  guest speaker ang bagong upong  SBMA Chairman Martin Diño, kasama sina Pangasinan Congressman Barba, SBMA personnel at marami pang iba. Nakagawian na ni Dr. James na magbigay ng  party sa mga Media na miyembro ng Media Force taon-taon. Dito nagkikita kita ang mga miyembro at iba pang mga taga media para ipagdiwang ang nasabing okasyon. Nagkakaroon ng kainan, kantahan at kasayahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga jokes na pinangungunahan mismo ni Dr. James Dy at susundan naman ng iba. Magugunitang buhay pa ang dating sikat na broadcaster na si Tata Bar Samson na isa sa nagtatag ng Media Force kasama si Ka “Atong Balatong” at iba pa ng pasimulan ang pagkakaroon ng  MF Chinese New Year Party taon-taon. At sa panghuli binibigyan ng tikoy at iba pang tokens ang bawat dumalo sa nasabing pagtitipon. (Click picture below to enlarge)

 imageimage

imageimage

ng