Nagbigay ng testimonial sa ginanap na DOSTKusyon ang ilan sa mga SETUP Adoptors ng Department of Science and Technology (DOST), kung paano sila nangarap, natulungan at umasenso ng Small Enterprices Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST.
Ang nasabing DOSTKusyon ay ginanap mismo sa Kamuning Bakery Cafe na isa rin sa DOST SETUP na pagaari ni Wilson Lee Flores. Ayon kay Flores, na kung hindi dahil sa programa ng DOST hindi lalakas ang benta at kita ng kanilang Bakery Cafe. Ilan pa sa dumalo na SETUP Adoptors na naging matagumpay na rin sa kani-kanilang negosyo sa tulong ng SETUP ng DOST ay sina: Ms. Michelle D. De Lion ng Glorious Industrial & Development Corp., Mrs. Armanda T. Battad ng Amanda’s Marine Products, Mr. Enrique M. Mirador ng Riclet Technological Mftg. Inc., at Ms. Teresita V. Navarro, Department Head, Public Information Office, Muntinlupa City at marami pang iba.
Pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato T. de la Peña ang nabanggit na pagtitipon kasama sina DOST Undersecretary for Regional Operations Usec Brenda L. Nazareth- Manzano, DOST STII, Director Richard P. Burgos na siyang nag welcome sa guest at mga participants. Si Dr. Aristotle P. Carandang naman ang nagsilbing Moderator/ Emcee sa nasabing okasyon. May mga dumalo ring opisyal mula sa ibang sangay ng DOST na nakiisa sa nasabing DOSTKusyon.
Ibinahagi ng mga dumalong Adoptors ang kani-kanilang karanasan bago pa man sila natulungan at matapos na matulungan ng SETUP ng DOST.
Katulad na lamang ni Mrs. Amanda Battad ng Amanda’s Marine Product, na kung saan na kwento ang kanyang halos talambuhay, maging ang kwento matapos na siya ay makapag-aral at mamasukan, at ipinagpatuloy ang nakagisnang hanapbuhay. Nabalitaan niya na may SETUP ang DOST na tumutulong sa maliliit na entreprenour, kung kaya sinubukan niya mag apply at pumasa naman. Sa ngayon isa na siya sa importer sa ibat-ibang bansa ng Marine Product.
Ayon kay Secretary De la Peña ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagtulong doon sa mga nagnanais na umunlad ang kanilang maliit na negosyo, na sa pamamagitan ng kanilang SETUP Program ay maaabot nila ang kanilang mga pangarap na umasenso at makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay. Sinabi pa nito na sa taong ito humigit kumulang sa limang daang SETUP Adoptors ang napabilang na naman sa dati nilang miyembro.
Ang nasabing DOSTKusyon na ginanap kamakailan ay naka sentro mismo sa Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST na may temang “Nangarap. Tinulungan. Umasenso.”