image

LIGAO CITY, Albay Namigay ng relief packages ang Social Security System (SSS) sa 1,300 Bikolano na miyembro at pensyonado nito na naapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon noong Marso 2 sa Ligao City National Technical – Vocational School.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na isa ring Bikolano, naglaan ng mahigit sa P600,000 ang pension fund upang makapamahagi ng relief packages sa mga miyembro, pensiyonado at kanilang mga pamilya mula sa anim na barangay ng Ligao City.

Nasa larawan sa itaas (mula kaliwa) sina PCEO Dooc, Ligao City Mayor Patricia Gonzalez-Alsua, at SSS Senior Vice President for Administration Group at Officer-In-Charge ng Public Affairs and Special Events Division May Catherine Ciriaco habang ipinamimigay ang mga relief packages na may bigas, mga delata, at sanitary kits sa mga lumikas.

Ipinakikita naman sa larawan sa itaas na kanang bahagi sina Baligang Brgy. Capt. Romel Bobis, Nasisi Brgy. Capt. Jurlan Buello, Ligao City Vice Mayor Sherwin Quising, PCEO Dooc, SVP Ciriaco at SSS Luzon Bicol Division Officer-in-Charge Elenita Samblero habang namimigay ng relief packages sa mga apektadong miyembro, bilang bahagi ng corporate social responsibility ng SSS. Nasa larawan sa ibabang bahagi naman ang mga opisyal at empleyado ng SSS mula sa Bicol at Maynila kasama ang mga evacuees mula sa mga barangay ng Nasisi, Binatagan, Tuburan, Nabonton, Basag at Dunao sa isinagawang relief operations.