Pinangunahan ni Metrobank Group Chairman Arthur Ty ang pagsasalin ng pondo na nagkakahalaga ng apat na milyong piso (P4M) para sa proyekto ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na tinaggap naman ni President Domingo Yap nitong nakaraang Enero 10, 2019. Ito ay bilang suporta sa dalawang malalaking proyekto ng mga negosyanteng Filipino-Chinese.
Ayon kay Yap, ang dalawang milyon ay mapupunta sa Filipino-Chinese Friendship Dome sa Marawi City, na may 4,000-seat capacity. Ito daw ang largest single donation na binigay ng Filipino-Chinese community sa bansa.
Nilinaw din ng FFCCCII na ang proyekto ay mula sa pribadong sector. Samantalang, ang lokal na pamahalaan ng Marawi City ang siya namang magsusuporta ng dalawang ektaryang lupa para sa pasilidad.
Sinabi pa ni Yap, na habang hindi pa nakukumpleto ng business group ang lahat ng pinansiyal na pangangailangan, ang konstraksyon ay hindi pa din mauumpisahan dahil walang contractor na gustong gawin ang proyekto dahil sa seguridad.
“Contractors are not yet confident that their safety can be guaranteed while working in Marawi. “
Ayon pa kay Yap, kailangan doblehin ng gobyerno ang pagpupunyaging masiguro ang kaligtasan ng mga trabahador at mawala ang takot ng mga potensiyal na inbestor sa naturang recovering city.
Dagdag pa ni Yap, ang malaking pondo na mula sa FFCCCII ay nabuo dahil na rin sa grupo ng mga negosyante na tinatayang umaabot sa 170 ang bilang.
Ang naturang center ay makukumpleto mula labing anim (16) hanggang labing walong (18) buwan, simula sa groundbreaking nito. Tinawag ito ni Yap na “largest single donation from the Chino community.”
Ang isa pang dalawang milyong piso na ipinagkaloob ng Metrobank Group sa FFCCCII, ay para naman sa Operation Barrio Schools. Sa ilalim ng programa ng FFCCCII, nagpatayo na rin sila ng mga silid aralan sa mga rural areas. Ito’y para mabigyan din ng maganda at maayos na edukasyon ang mga kabataan sa malalayong lugar. “This is a continuation of that partnership, long-standing partnership of helping uplift the educational system of the country,” ayon naman kay Metrobank Foundation President Ancieto Sobrepeña. Sa ngayon , ang FFCCCII’s Operation Barrio Schools ay nakapagpatayo na halos ng may 5,602 silid aralan sa buong bansa. (Ni: Precy F. Lazaro)