Pinuri ng Social Security System (SSS) ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na pagtibayin ang desisyon ng Quezon City Trial Court (QC-RTC) na hatulan ang kilalang dermatologist na si Joel C. Mendez dahil sa hindi nito pagbabayad ng mahigit na P1.8 milyong buwanang kontribusyon sa SSS.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na ang desisyon ng CA na katigan ang pitong-taong pagkakakulong na ipinataw ng RTC kay Mendez sa paglabag nito sa Batas Republika 8282 o Social Security Law of 1997, ay patunay na walang sinuman ang maaaring lumabag sa batas.

“Kami ay lubos na natutuwa na kinatigan ng CA ang desisyon ng QC RTC. Magsilbi nawa itong babala sa mga employers na obligasyon nilang magbayad sa SSS ng buwanang kontribusyon ng kanilang mga empleyado,” ayon kay Ignacio.

Sa inilabas na resolusyon noong Abril 16 na isinulat ni Associate Justice Edwin D. Sorongon, ibinasura ng CA ang ipinasang motion for reconsideration ni Mendez at ang panawagan nito na pag-aralan pang muli ng hukuman ang kanyang kaso.

Si Mendez, na nagmamay-ari ng iba’t ibang dermatology clinics sa buong bansa, ay hinatulan noong Hulyo 2016 ni QC RTC Branch 88 Judge Rosanna Fe Romero Maglaya na makulong ng hindi bababa sa anim na taon at isang buwan at hindi lalagpas sa pitong taon at magbayad ng P15,000 multa sa gobyerno.

Inatasan din si Mendez na bayaran ang SSS ng P1,865,657.50 katumbas ng kabuuang halaga ng mga hindi nabayarang kontribusyon mula Oktubre 2011 hanggang Enero 2013 kasama ang interes na 3 porsyento kada buwan mula Hulyo 2015 hanggang sa mabayaran ito ng buo.

Pinayuhan ni Ignacio ang mga employers na mag-aplay sa kasalukuyang SSS contributions penalty condonation program upang maiwasan ang mga ganoong pangyayari. Iaalok lamang ang nasabing programa hanggang Setyembre 1, 2019.

“Ang bagong Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 ay nagbibigay tulong sa mga delingkwenteng employers sa pamamagitan ng paglalagay ng probisyon na magkaroon ng contributions penalty condonation program upang sila ay matulungan na mabayaran ang kanilang mga obligasyon at maiwasan na sila ay makasuhan.

Ngayon na umano ang tamang panahon na bayaran ang mga hindi pa nababayarang kontribusyon ng mga empleyado. Pumunta lamang sa pinakamalapit na opisina ng SSS sa inyong lugar at mag-aplay ng kasalukuyang contributions penalty condonation program para sa mga employers,” sabi ni Ignacio.

Base sa SSS Circular 2019-004, kwalipikado ang mga employers na mag-aplay sa programa kung sila ay hindi pa rehistrado sa SSS kasama na rito ang mga household employers, ang mga may nakabinbin pa o naaprubhan ng proposal sa ilalim ng installment scheme ng SSS, ang mga may nakabinbin pa o naaprubahan ng aplikasyon sa ilalim ng program ng pagtanggap ng mga ari-arian sa pamamagitan ng dacion en pago ng SSS.

Dagdag pa rito, ang mga delingkwenteng employers na may mga nakabinbin na kaso sa Commission, Courts or Office of the Prosecutor na patungkol sa koleksyon ng kontribusyon at multa, kasama na ang mga nahatulan na tungkol sa koleksyon ng kontribusyon at multa ngunit hindi sumunod sa naging paghatol, ay maaari ring mag-aplay sa minsanang  amnesty program para sa mga hindi nabayarang kontribusyon.

Even those who settled all contributions before the effectivity of RA 11199 but with unpaid penalties, and those who were given a Warrant of Distraint/Levy/Garnishment (WDLG) or encumbrance can apply for the ongoing condonation program on unpaid premiums of employers.

Kasama rin dito ang mga nakapagbayad na ng lahat ng kontribusyon bago ang pagpapatupad ng RA 11199 ngunit mayroon pang hindi nabayaran na multa, at ang mga nabigyan ng Warrant of Distraint/Levy/Garnishment (WDLG) or encumbrance, ay maaari ring mag-aplay sa kasalukuyang condonation program para sa mga hindi nabayarang kontribusyon ng mga employers.

Sinasabi rin dito na ang employer ay may opsyon na magpasa ng installment proposal sa pamunuan ng SSS Branch/Office o Large Account Department. Ang mga installment payments sa ilalim ng programang ito ay may taunang  interes na 6  porsyento.

Matapos ang pagsumite ng proposal, kinakailangan ng employer na magbayad ng downpayment na kasing halaga ng hindi bababa sa 5 porsyento ng kabuuang utang sa kontribusyon. Kinakailangan din ng employer na magsumite ng promissory note na nangangakong buwanang magbabayad ng natitirang balanse ng utang sa loob ng apat na taon, kung saan dapat na mabayaran ang unang buwan sa loob ng 30 araw matapos na maaprubahan ang proposal.

“Magkakaroon ng 6 na porsyentong interes kada taon ang installment payments,” ayon sa patnubay.

“Mariin naming hinihikayat ang mga employers na mag-aplay sa programa dahil iaalok lamang ito sa loob ng anim na buwan. Ito na ang inyong pagkakataon na makapagbayad ng inyong utang sa kontribusyon sa SSS upang ang inyong mga empleyado ay matamasa ng lubos ang lahat ng kanilang mga benespisyo mula sa ahensya,” sabi ni Ignacio.

Maibabalik ang short-term loan privileges ng mga kwalipikadong empleyado matapos na mabayaran ng buo ng employer ang utang sa kontribusyon.

Hinihikayat ng SSS ang mahigit na 132,000 employers na mag-aplay sa programa na inaasahang mapakikinabangan ng halos 1.4 milyong empleyado sa pribadong sektor.