Ang mga bagong halal na opisyal ng Philippine Press Club, Inc. (PPCI) ay pinanumpa ng Presidente ng National Press Club (NPC) ng Pilipinas na si President Rolando “Lakay” Gonzalo nitong nakaraang Mayo 30, 2019 na ginanap sa Sulu Riviera Hotel, Diliman Quezon City.
Lubos ang pasasalamat ng bagong grupo, partikular ang mga bagong opisyal ng PPCI kay Ms. Charina Garrido-Ocampo, Legacy, Monsanto Corporate Affairs Head at acting focal person ng Bayer Fund sa pag sponsor nito sa isinagawang oath-taking ceremony ng PCCI officers 2019-2021.
Nagpasalamat din ang grupo ng PPCI sa mga nakilahok at nakisaya, partikular kay Mam Venus Valdemoro ng DOST-PAGASA bilang isa sa pangunahing bisita at tagapagsalita, ganon din kay PAPI President Nelson Santos at kay Publisher Bonnie Dacayanan na nagpakila sa tunay na kasaysayan ng buhay ng bagong upong pangulo ng PPCI pagdating sa pamamahayag. Pinasalamatan din ng PPCI ang mga kasamahan sa pamamahayag, na mula pa sa ibat-ibang pahayagan, radio, television at online, na ang ilan ay mula pa sa various media groups sa Metro Manila at Central Luzon, sa pangunguna ni Central Luzon Media Association Publisher Bonnie Dacayanan, Publisher Ronald Alborote, broadcaster Juvy De Guzman, Broadcaster Horizon Chazer, QCPC President Rio Araja at mga kasama, Juliet Cruz, Cathy Cruz, Cris Palarca at ilan pa sa naging bahagi ng nasabing okasyon.
Pinasalamatan din ng grupo ang nagsilbing MCEE ng pagdiriwang na sina: Broadcaster Annabelle Surara ng Radyo Aguila at NPC Director Benedick Abaigar.
Ang mga bagong halal na opisyal ay kinabibilangan nina: President, Estrella Gallardo ng Manila News Week/ Midday News/ Dispatch Today Online, Vice President, Raffy Rico ng NBM Online TV/Noon Break Balita website, Secretary, Noli Liwanag ng Pinas / Sakto Balita, Treasurer, Precy Lazaro ng Peoples Monitor/ Rizal Voice, Auditor, Joel Adriano ng SciDev, Business Mngr. Fedeluz C. Lozano ng Pinas / Sakto Balita, PRO, Miguel Jotojot ng DiarioPilipinas, Seargent at Arms, Ben Briones ng PNA, Jimmy Camba ng Manila Star/ NBM Online TV, at Jose “boy” Cruz ng NBM On line at Noon Break Balita.