Nagdaos ng isang Technology Media Conference ang National Research Council of the Philippines (NRCP) nitong nakaraang Agosto 6, 2019 na kung saan ito ay ginanap sa isang Hotel sa Quezon City.
Pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato De la Peña ang nasabing komperensya kasama ang ilang opisyal ng NRCP na sina Dr. Merieta Bañes Sumagaysay, NRCP Executive Director, Dr. Oliver Neil R. Rodriguez, Co- Researcher, Digitized Arts for HIV, Prof. Gloria Luz M. Nelson, Regular Member, NRCP Division of Social Sciences, at Dr. Veronica E. Ramirez Regular Member, NRCP Division of Social Sciences.
Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang awareness hinggil sa HIV/AIDs na kung saan lalo pang lumalala sa ngayon. Sinasabi na nitong nakaraang Nobyembre 2018, napabalitang ang pinakabatang biktima ng HIV dahil sa pakikipagtalik ay labing tatlong taong gulang (13), pabata ng pabata ang nagiging biktima nito.
Kung kaya naman ang NRCP ay naglungsad ng kampanya para maiparating sa taong bayan ang kaalaman sa pag iwas o awareness sa sakit na HIV.
Sa pamamagitan ng Digitized Arts, maiiwasan ng mga kabataan at sino pa mang makakabasa at makakapanood na mahawa sa sakit na HIV/AIDS. Ilan sa mga halimbawa ng Digitized Arts ang pagawa ng Pelikula, Photography, Illustration at Infographic.
Pinagtuunan din ng pansin sa nasabing kumperensya ang tungkol naman sa kalusungan ng mga OFW’s, na kung saan sinasabing ang pangunahing sakit o top illnesses ng mga nagtatrabaho sa ibayong dagat ay nakadepende sa kani-kanilang mga trabaho.
Halimbawa na lang umano dito, kung ikaw ay Household Domestic Helpers, maari kang magkasakit ng reproductive diseases, digestive diseases at cardiovascular diseases. Kung ikaw naman ay isang service Worker, halimbawa isa kang driver o kaya naman ay kitchen crew, maari kang makakuha ng cardiovascular diseases, urinary/ excretory diseases at sensory system diseases.
Marami umanong mga OFW’s ang nakakaranas nito ng dahil sa kamahalan ng gamot at hindi alam ang pagpunta sa mga health center, napipilitang mag self-medicate na lang umano ang mga ito,. Ayaw din naman nilang ipaalam ang kanilang karamdaman dahil sa natatakot sila na mawalan ng trabaho, at dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman pagdating sa kanilang medical benefits.
Hindi masyadong napag usapan at nabigyan ng pansin ang sinasabing pagbubuntis ng mga kabataang babae na may edad mula 10-19 na taong gulang matapos umanong manalasa ang bagyong Yolanda at Ruby sa kabisayaan na kumitil ng maraming buhay at ari-arian.
Na dahil umano sa natural na kalamidad, napilitang mag evacuate ang mga pamilya sa mga evacuation center na kung saan kulang sa pangangailangan, siguridad at privacy. Partikular ang nasabing grupo ng kabataang babae na walang lakas ng loob na makaiwas sa anumang tukso at harassment ng ilang kalalakihan sa nasabing lugar, kung kaya marami sa mga ito ang nabubuntis ng maaga. (Photo by: Jimmy Camba )