imageimage

Kabilang ang saluyot sa mga halamang namumulaklak mula sa pamilyang Malvaceae (mal-va-si-ih). Mayaman ito sa vitamin A, C at E, fiber at minerals, calcium, at iron.

Ang dahon nito ay masustansya dahil sagana ito sa protina at mga essential amino acids. May taglay din itong mga antioxidants gaya ng β (beta)–carotene, α (alpha)–tocopherol, glutathione, at phenols.

Samantala, kabilang din sa pamilyang Malvaceae ang okra o Abelmoschus esculentus. Maraming ding benepisyo ang makukuha sa gulay na ito kaya binansagan ito bilang isang “multipurpose crop”. Masustansya ito dahil mayaman ito sa vitamins, calcium, at potassium, nakakatulong din ito sa pagpapababa ng kolesterol sa ating katawan.

Pinangunahan ni Ginang Tres Tinna Martin, isang mananaliksik mula sa Mindanao State University o MSU ang proyektong “Evaluation and Development of Nutraceutical and Cosmeceutical Products from Saluyot and Okra: Protective and Preventive Alternatives for Health and Wellness” na pinondohan ng Bureau of Agricultural Research o BAR.

Layunin ng proyektong ito na makaimbento ng capsule, jelly, at skin cream mula sa katas ng saluyot at okra.

Sa kasalukuyan, nakaimbento na ng iba’t ibang produktong mula sa saluyot at okra o Salokra, ang mga produktong nabuo ay pinangalanang “Nateura” (na-tyu-ra) na tumutukoy sa mga natural na sangkap nito.

Ilan sa mga produktong ito ay ang Nateura Antioxidant Capsule, Nateura Hand and Body Lotion at Nateura Face Cream.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa salokra o saluyot at okra, maaaring makipag-ugnayan kay Ginang Tres Tinna Martin o kay Dr. (doktor) Edna P. Oconer sa mga numerong, 083-380 6555 at 083-3806576. At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like ang opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial.

imageimage