Image result for shiitake mushroom

Ang shiitake o lentinula edodes ay isang uri ng mushroom na matatagpuan sa hilangang bahagi ng Asya. Mayroon itong taglay na vitamin B, thiamine, riboflavin, at niacin.

Tinuturing ito bilang isang uri ng medicinal mushroom dahil kaya nitong kontrolin ang kolesterol sa katawan. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng cancer, sakit sa bituka, at diabetes.

Dahil sa pagnanais na matukoy ng mga experto ang iba pang potensyal na pakinabang ng shiitake mushroom at maipakilala ito sa publiko, ang Bureau of Agricultural Research o BAR at Nueva Vizcaya State University (NVSU) ay nagtulong para maisulong ang proyekto at “Commercialization ng Shiitake Production at Product Development Technology sa Nueva Vizcaya”.

Ayon sa project leader na si Ginang Maribel S. Bacena, nais nilang mapataas ang produksyon ng shiitake kaya’t sinimulan nila ang komersiyalisasyon ng kanilang mga produkto.

Pinagkalooban din umano nila ang mga shiitake growers ng tig 1,000 kilogram na mushroom sa bawat 300 na trosong kanilang maipoproduce.

Sa unang taon nang implementasyon ng proyekto, nakapag produce sila ng 50kg ng Class A, 45kg ng Class B, at 52.5kg ng Class C na troso ng shiitake mushroom na nagkakahalagang P37,500 sa loob ng tatlong buwan matapos itong simulan noong July 2016.

Nakabili ng dagdag na kagamitan ang mga shiitake growers na nakatulong upang lalo pang mapataas ang produksyon mula 300 hanggang 1000-1500 pakete ang kanilang napoproduce.

Nagkaroon ng koordinasyon ang mga magsasaka, municipality at local government units ng Kapaya, Sta. Fe at Dupax del Norte, Nueva Vizcaya upang mabigyang pansin at mas lalo pang mapalakas ang industriya ng shiitake mushroom sa probinsya.

Para sa iba pang mga research at technolohiya, maaaring i-like ang opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial.

image