Ang “batuan” o Gracinia morella ay isang prutas na matatagpuan sa mga bansang may tropikal na klima tulad ng Pilipinas. Kadalasan itong kinakain ng hinog. Maaari din itong gawing pampaasim sa mga pagkain gaya ng sinigang.
Sinimulan ng Department of Agriculture – Bicol Integrated Agricultural Research Center o BIARC ang proyektong “Utilization of Batuan into Value-added Products” upang matuklasan ang iba pang potensyal ng batuan sa pagpoproseso nito bilang sangkap sa pagkain.
Tulad ng sampalok, ang prutas nito ay inihahanda upang makagawa ng powder na ginagawang pampaasim sa mga lutuin. Mabuti ito sa kalusugan dahil nakakapagpababa ito ng cholesterol na mabuti para sa mga taong may hypertension.
Mayaman ang batuan sa antioxidant na tumutulong upang labanan ang mga “free radicals” sa katawan na sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit. Sagana din ito sa vitamin C na nagpapalakas ng immune system ng katawan.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa batuan, maaaring makipagugnayan kay Ginang Luz Marcelino (project leader) sa numerong 0-5-4-4- 7-7-0-4-7-5 o 0-5-4-4-7-8-3-6-4-5, o magpadala ng mensahe sa email na luzcelinomar@yahoo.com. At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like ang opisyal na Facebook page ng DA–BAR sa fb.com/DABAROfficial.