image

Isinagawa ng Department of Science and Technology-Science Education Institute o DOST-SEI ang kanilang ikalimang serye ang dating taunang kompetisiyon ng 16 na paaralan sa paglikha, at paggamit ng mga Robot sa pinamagatang TAGISANG ROBOTICS: DESIGN, BUILD AND PLAY sa Philippine International Convention Center (PICC) mula November 19 hanggang November 20, 2019.

“The most awaited moment of your thrilling journey in this robotics competition has finally come. This is where your hard work will be tested; your training will be put in to use, and the camaraderie you’ve built with other contestants will prove its worth.” Ani ni Dr. Jisette Biyo, Director, Science Education Institute para sa kaniyang opening speech

Ito na ang pang limang taon ng nasabing paligsahan matapos mahinto ito ng ilang taon dahil sa pag asikaso ng DOST-SEI sa kanilang iba pang mga programa. Inaasahang ang malakas na pagpapakita ng kompetisyon ngayon ang magpapatuloy nito sa mga susunod pang mga taon.

Ang nasabing kompetisiyon ay gumamit ng “single round-robin” na elimination kung saan binigyan ang isang eskwelahan ng pitong rounds. Sa isang round, kailangan nilang makipag kooperatiba sa kanilang makakasaping eskwelahan sa round na iyon upang susubukang maka-shoot ng dalawa o limang puntos na basket laban sa dalawang robot ng makakatunggali na eskwelahan sa round na iyon.

Ang mananalo ng Best Team award ay mananalo ng P100,000 cash prize samantala ang mananalo naman sa Best Alliance award ay makakapag uwi ng P150,000 . Ang coach ng winning team ay mananalo ng P30,000 at Coach ng Best Alliance ay makakapag uwi naman ng 15,000 each.

“I would like to congratulate all teams for grabbing this opportunity to develop your skills and challenge yourselves to compete with other schools top bets.” Dagdag pa ni Dr. Biyo.

Ito ang 16 na eskwelahang na naglaban laban para sa tropeyo; Bangkal High School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Caloocan National Science and Technology High School, Makati Science High School, Malabon National Highschool, Manila Science High School, Marcelo H. Del Pillar High School, Muntinlupa National High School – Main, Pasig City Science High School, Philippine Science High School Main Campus, Pitogo High School, Rizal High School, Rizal High School, Rizal Science High School, Sen. Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science and Technology High School, Taguig Science High School at Valenzuela School of Science and Math. (Photo and Written by: Frans Brian Fernandez Ogaya)

imageimageimageimage