image

Naging tanyag ang tilapia ice cream ng Central Luzon State University o CLSU matapos nitong masungkit ang gintong medalya bilang “Innovation World Winner Awardee” sa ginanap na Salon International del’Agroalimentaire (SIAL) ASEAN Manila noong 2016.

Mabibili ito sa Ka Tunying’s Café na pag-aari ni Anthony Taberna, isang kilalang mamamahayag.

Ayon sa project leader ng tilapia ice cream na si Prof. Dana G. Vera Cruz, naging matagumpay ang kanilang proyekto dahil sa pagsuporta ng Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research na nagsulong sa “Technology Enhancement and Commercialization of Tilapia Ice Cream.”

Pinondohan ito sa ilalim ng National Technology Commercialization Program. Nakakapag produce ng 5,000 tilapia ice cream ang CLSU kada buwan.

Sa kasalukuyan, nakaimbento na rin ng iba’t ibang variants ng tilapia ice cream gaya ng tilapia praline, tilapia ice cream sans rival, at tilapia ice cream with tilapia cookies.

Mayroon na ding ibang produkto na nagawa mula sa tilapia gaya ng thin plain tilapia cookies, tilapia cookies with tomato jam, at tilapia hermits dipped in lemon grass-pandan chocolate.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa tilapia ice cream, maaaring makipag-ugnayan kay Prof. Dana G. Vera Cruz ng Central Luzon State University sa numerong 0-9-1-7-8-4-7-4-9-8-2 o magpadala ng mensahe sa kanyang email na dgveracruz@yahoo.com.

At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like ang opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial.