Sinasabing sa Amazon forest na matatagpuan sa Brazil lamang tumutubo ang rubber tree. Taong 1876, ipinamahagi ang mga rubber seeds sa iba’t ibang bansa na naging daan upang magkaroon ng kauna-unahang rubber tree sa Pilipinas na matatagpuan sa Mindanao noong 1900.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang Zamboanga Peninsula ang nangungunang producer ng rubber sa bansa, sumunod ang Region 7 o SOCCSKSARGEN (sok-sar-gen) at Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Dahil sa malaking potensyal ng rubber, sinimulan ng Department of Agriculture–Bureau of Agricultural Research ang Community-based Participatory Action Research o CPAR project ukol sa rubber noong 2003 upang mabigyan ng suporta ang Zamboanga Peninsula Integrated Agricultural Research Center o ZAMPIARC sa pagpapalawig ng rubber industry.

Inaabot ng mahigit 5 taon bago anihin ang mga rubber kaya’t upang kumita pa rin ang mga magsasaka habang nag-iintay, tinuruan sila ng ZAMPIARC ng mga teknolohiya sa intercropping ng rubber kasama ang mga annual at perennial crops. Gumamit sila ng rubber-based farming system o RBFS technology na kung saan naglalaan sila ng isang ektaryang lupa para sa intercropping ng rubber ang saging, rambutan, pinya, mais, at legumes.

Ang dating P16,800 na kita ng mga magsasaka ay naging P88,143.16 dahilan sa pagdami ng bilang ng mga magsasakang gumagamit ng teknolohiyang RBSF mula nang inimplimenta ang proyekto dahil sa mataas ang produksyon at kita dito. Para sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like ang opisyal na Facebook page ng DA–BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).