No photo description available.

 

Dahil sa lumalalang sitwasyong hingil sa coronavirus (Covid-19), ang Barangay Health Emergency Response Team ng Barangay Corazon de Jesus, San Juan City ay magbibigay ng Home Quarantine Pass (HQP) para sa bawat pamilya na lehitimong residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Chairman Jaime S. Tabirao ng Barangay Corazon de Jesus, ang nasabing  HQP ay magbibigay ng pahintulot sa isang myembro ng pamilya na makalabas at makabili ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya katulad ng pagkain, gamot at iba pang pang araw-araw na pangangailangan.

Hindi na umano kailangan pang lumabas ng bahay o pumunta sa barangay hall para humingi ng pass dahil ang mga Barangay staff na mismo ang mag-iikot upang magbahay-bahay para mamigay ng HQP, ayon pa kay Chairman Tabirao. Ito po ay pakikiisa ng ating Barangay sa pinapatupad na Enhanced Community Quarantine ng ating Gobyerno. Hiningi din ni Chairman Tabirao ang kooperasyon at pang-unawa ng bawat residente ng Barangay Corazon de Jesus.