image

San Juan City – Nagsimula ng mamigay ng foood packs ang City Government ng San Juan City ngayong araw March 23 sa panahon na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa bansa. Una nang nakatanggap ng food packs ang mga residente ng Barangay Corazon de Jesus,  Brgy Batis at Brgy Salapan. Tiniyak ng San Juan City Government na hindi pababayaan ang mga residente nilang kinakapos na sa pagkain ngayong ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.

Pinangunahan mismo ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pamamahagi ng food packs, kung saan ay nagbahay-bahay sila upang hindi na lumabas pa ng kani-kanilang mga tahanan at pumila para makatanggap nito. Sa pamamahagi ng food packs, inuna nila ang higit na nangangailangan, ang mga arawan ang pasahod at hindi nakakapasok sa trabaho, mga “No Work, No Pay” ika nga, at ang mga mahihirap o indigent. Paliwanag ng alkalde, ang nilalaman ng food pack ay bigas, delata, face mask at alchohol.

Ayon kay Zamora, na mag tutuloy-tuloy ang kanilang paghahatid ng pagkain sa iba’t ibang mga Barangay hanggang umiiral ang Enhanced Community Quarantine. Subalit lininaw din nito, na wala umanong katiyakan ang araw at pesta ng pamamahagi dahil depende umano ito sa suplay ng pagkain lalo pa’t nahihirapan din sila sa  pamimili.

Sa ngayon umano, tuloy tuloy ang kanilang pagrerepack ng food packs subalit nagpaalala ang alkalde na, “kailangan din natin budgetin ang bigas, at mga delata na mayroon tayo sa ngayon sapagkat hindi natin alam kung gaano katagal pa ang krisis na ito. Maaring tumagal pa ito ng ilang linggo. Depende yan kung bababa na ang bilang ng mga positibo sa COVID-19. Ang hiling ko lamang po, manatili tayo sa loob ng ating mga tahanan para hindi na po ito kumalat pa. Magtulungan po tayo para magtagumpay ang Lungsod ng San Juan laban sa CoronaVirus. Kaya natin ito”,  Ayon pa kay Zamora.

SAN JUAN CITY COVID-19 UPDATE

Kailangan natin ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos para patuloy nating mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus sa San Juan. Ang bawat isa sa atin ay may nakatalagang responsibildad na dapat gampanan sa krisis na ito. Pagtulungan nating lahat na labanan at talunin ang COVID-19.

 

No photo description available.