image

PDEA RIZAL – Personal na tinungo ng ilang opisyal at miyembro ng Pasig Marikina Mandaluyong San Juan- Rizal Press Corps (PaMaMariSan-Rizal Press Corps), ang tanggapan ng PDEA Rizal, upang alamin ang kalagayan at sitwasyon ng tanggapan ng sangay na ahensiya ng PDEA sa nasabing Lugar, na kung saan personal nilang naka ugnayan ang opisyal na si Roberto “Bob” Sebastian.

Sa kanilang pakikipanayam kay PDEA Rizal Provincial Officer Bob Sebastian, aminado ito, na hindi sapat ang kanilang pondo upang matugunan ang problema pagdating sa illegal na droga, partikular sa buong lalawigan ng Rizal. Sinabi ni Sebastian na mayroon lamang umano silang sampung (10) ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buong Rizal, na kung saan, hindi umano ito sasapat para matugunan ng 100% ang kanilang trabaho.

Sa kabila umano ng lahat, pinagkakasya pa rin nila ang pondo. May kakulangan din umano sila sa driver, at wala pa rin silang sariling opisina, pinapagamit lamang umano sa kanila ng Barangay Captain ang opisina na nasa Barangay Sta Cruz, ayon pa kay Sebastian. Marami umano ang trabaho ng PDEA Rizal, bukod sa operation, bina-validate din nila ang lahat ng impormasyon na natatanggap mula sa kanilang mga impormante.

Tiwala naman ang opisyal na kaya nilang maabot ang kanilang target, dahil sa ngayon pa lang nasa 78% na ang nalinis nila pagdating sa illegal na droga sa ilang bahagi ng Rizal. Mahirap umanong sabihin na Drug Free na ang isang lugar, dahil, matatalino na ang mga drug pushers sa ngayon. Aminado naman si Sebastian, na kailangan talaga nila ang tulong ng Local Government Unit (LGU) at Media, para masabing Drug Free ang isang barangay.

imageimage