Maari umanong makita ang comet NEOWISE saan mang panig ng Pilipinas ngayong linggo, simula July 17 hanggang July 23, basta’t walang ulap sa kalangitan, ito’y ayon sa PAGASA Astronomy.
Ayon sa PAGASA Astronomy, na mas mainam kung aabangan ito isang oras bago ang pagsikat ng araw o isang oras bago ang paglubog ng araw. Dahil umano sa napakalawak na orbit ng kometa, tatagal at aabot pa ng 7,000 taon bago muling makita sa mundo.
Ang naturang kometa ay sinasabing nakikita na noon pang Huwebes sa ibat-ibang panig ng mundo tulad ng Japan, France, Canada at America. Ngayong linggo umano maaring makita ang kometa sa Pilipinas kahit na walang teleskopyo.
Kung kaya sinasabing, huwag natin itong palalagpasin, dahil sobrang tagal pa bago ito muling masilayan.