image

Matapos ipahayag  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa kanyang mensahe nitong nakaraang Agusto 2, 2020 ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantene (MECQ) sa darating na Agusto 4-18, 2020 sa buong NCR, Cavite, at ilan pang bahagi ng bansa.

Ngayong araw August 4, hanggang August 18, 2020 o sa kasagsagan ng MECQ, nanawagan si San Juan Mayor Francis Zamora, na simula na rin ng mahigpit na pagpapatupad ng city-wide curfew sa San Juan mula 8pm hanggang 5am.

Ayon sa Alkalde, na sa ilalim ng MECQ ay muling ipatutupad ang paggamit ng quarantine pass. Ngunit, tayo po ay magkakaroon na ng bago at standard na design nito. Ito ay para siguraduhin na authentic at hindi fake ang mga nasabing quarantine pass. Nagpapa-print na po kami nito at ito po ay ipapadala natin sa ating 21 barangay simula August 4, 2020, Tuesday. 1 pass per family lang po ang ibibigay natin para ma-limitahan ang mga taong lumalabas sa kani-kanilang tahanan.

Ayon pa sa Alkalde. Ang mga lumang pass ay maaring gamitin hanggang sa August 7, 2020, Friday na lamang. Simula August 8, 2020, Saturday, ang bagong quarantine pass na po ang dapat gamitin. Sa mga nagta-trabaho sa mga business establishments na pinapayagan ng IATF na magbukas sa panahon ng MECQ, ipakita lang po ninyo ang inyong employees ID sa mga checkpoint para kayo ay makadaan. Hindi na po kailangan ng work pass. Para po sa kaalaman ng lahat. Maraming salamat po. Dagdag pa ni Mayor Francis Zamora.

Sinabi pa ni Zamora, na simula ngayong araw Agusto 4, hanggang Agusto 18, 2020, muling ipatutupad ang liquor ban sa lungsod o City Ordinance No. 54, Series of 2020, na nagbabawal sa pagbebenta, pagdadala at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar habang ang lungsod ay nasa ilalim ng MECQ dahil sa pandemyang dulot ng COVID 19. Ang sinumang lalabag sa kautusan ay huhulihin at parurusahan ng naaayon sa batas.

Muli rin umanong mamamahagi ng food packs ang pamahalaang lungsod sa mga San Juaneño habang umiiral ang MECQ. Ito na po ang pang 13th wave na pamamahagi ng pamahalaang lungsod ng food packs. Ang 11th wave food packs ay sinundan ng 12th wave na kung saan ang ipinamigay ay mackerel fish. Umaasa po kami na magiging isang napakalaking tulong po ito sa ating mga taga lungsod, dagdag pa ng Alkalde.

image

image