Tiklo ang tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operations sa Pasig City ng pinagsanib na pwersa ng Special Operation Unit 4 ng PNP-DEG sa pangunguna ni PLTC GLENN C GONZALEZ kasama ang RID, NCRPO; DID at DEU-EPD sa pangunguna naman ni PCOL WILSON JOSEPH F LOPEZ at PLTCOL REGGIE S LACSAMANA; SDEU, PASIG CPS; at PDEA NCR.

Ikinasa ang nasabing operasyon para mahuli ang tatlong suspek kahapon ng miyerkules Agosto 19, 2020, sa ganap na alas 7:PM na matatagpuan sa 290-3 Westbank Road, Brgy.Maybunga, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina: Joel Narido y Lumbre alias “NOEL”, 39 y/o, resident of 290-3 Westbank road Maybunga Pasig City; Maria Teresa Concil y Sapatero, 35 y/o, resident naman ng 1664 Onyx Street, San Andres Bukid, Manila; at Ronald Solomon, 41 y/o, na nakatira sa 1664 Onyx Street San Andres Bukid , Manila.

Nakuha sa tatlong suspek ang 20 vacuum sealed yellow foil packs, na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang SHABU, na isiningit sa DAGUANYIN Chinese tea bag, tinatayang nasa 20 kilos ito, at ayon sa DDB ito ay nagkakahalaga ng halos 136 Million pesos at 1M cash boodle money na nakalagay sa isang papper bag.

Sa panayam ng ilang mamamahayag, sinabi ni PCOL Lopez, DDDO-EPD, na isasalang sa masusing imbestigasyon ang mga suspek para matukoy kung saan nanggaling ang mga droga at kung sino-sino ang mga kasabwat nito. “The PNP will be relentless in our pursuit of criminals even as we are facing the challenges of COVID-19 pandemic,” dagdag pa ni PCol. Lopez.

Ang tatlong suspek ay nasa kostudiya na ngayon ng PDEG, at nahaharap sa kasong  Violation of RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.