Kailan ba kayo titigil sa paninira ninyo sa amin, na mali naman? Ito ang mariing sinabi ni Opposision Councilor Jana Ejercito sa kanyang Facebook account kamakailan.
Nag-ugat ang nasabing issue matapos na hindi pumirma ang dalawang konsehal na sina Jana Ejercito at Konsehal Chesco Velasco II sa ipinasang ordinansa na naglalayong pondohan ang pagbili ng COVID-19 vaccine para sa mga San Juaneño.
Kamakailan nagpasa ng ordinansa ang Office of Sanguniang Panglungsod ng San Juan na nag-aallocate ng 50M halaga ng COVID-19 vaccine. Ang nasabing ordinansa ay inalmahan at hindi pinirmahan ng dalawang konsehal na si Konsehal Jana Ejercito at Kon. Chesco Velasco II.
“Ang inyo pong lingkod at si Councilor Chesco Velasco II ay laging para sa ikabubuti ng ating mga kababayan at ng San Juan. Kaya lang po kami hindi pumirma dahil wala pa pong vaccine at bawal po sa batas mag appropriate ng pondo para sa bagay na wala pa”. “Pag ready na po ang vaccine kahit 300 million pa yan ay siyempre pipirma kami at todo ang aming supporta basta nasa tama”.
Nilinaw naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora na bomoto sina Councilor Janna Ejercito at Chesco Velasco II laban sa paglalaan ng Php 50 million na bakuna para sa Covid-19. Ayon sa Alkalde na isa sa pinakamalaking panalo ng mga taga San Juan laban sa COVID-19 ay ang pagkakaroon ng bakuna kung saan ang Sangguniang Panlungsod ng San Juan ay nagpasa ng Ordinansa na nag-aallocate o naglalaan ng pondo na Php 50 million para dito.
Paliwanag pa ng alkalde hindi umano bumoto sina Ejercito at Velasco pabor sa paglalaan ng pondo para sa vaccine kung saan nakalagay umano sa actual signed ordinance na bomoto sila laban dito. Dagdag pa ni Mayor Zamora bomoto sina Ejercito at Velasco laban sa paglalaan ng Php 50 million para sa bakuna laban sa COVID-19, bakuna na para sana umano sa mga taga San Juan na magprotekta sa mga tao laban sa nasabing sakit.
Una na nga rito, nanindigan si Councilor Jana Ejercito na kaya umano hindi sila pumirma dahil wala pa umanong bakuna at ipinagbabawal sa batas na mag laan ng pondo para sa bagay na wala pa, at handa naman umano silang pipirma kahit pa ang halaga ng bakuna ay Php 300 million bastat nandiyan na ang naturang bakuna.
Dagdag pa ng konsehal, “Say 50 million? Baka kulang pa yan sa vaccine. Kunwari nalang 150k tayo sa San Juan, e di tig 333 pesos lang tayo? Magkano ba ang vaccine? How do we appropriate any amount for it? Miss basher, baka naman may info ka kung magkano why don’t you guide us and even the National Gov’t? Kahit wala pang bakuna, baka alam mo na kung magkano ito? Pipiliin lang ba ang bibigyan ng vaccine? Para sa lahat dapat ito diba”?
Sinabi pa nito, para sa nagpost Appropriating for what? Bahala na? Ikaw ba papayag ka na pera mo gagamitin tapos bahala na kung saan mapunta na related activities? Kahit hindi naka specify? Kung taga San Juan kayo sana makita ninyo na inaalagaan namin ang pera ninyo na tama ang mapuntahan. Talo kami sa botohan pero ipinaglaban namin pera ng bayan na pera mo rin Ms. basher at sana bago po manira ay alamin muna ninyo ang batas.
Pangalawa, para sa other covid related activities, dapat specific po ang mga activities na ito. Lahat ng pondo, at dapat nakasaad ng mabuti kung saan ilalaan. Transparency is very important para sa kaalaman ng lahat. Hindi Pwede mag allocate ng hindi natin alam specifically ang pupuntahan.
You cannot also procure a vaccine before it is approved. So when the vaccine is approved, and a price is identified, then the sanggunian will still pass an ordinance realigning a portion of the 2021 budget to fund the procurement. So this ordinance is just pa-pogi, ayon pa sa konsehala.
Once again I rest my case Peace nalang sana San Juan and God bless you all specially the bashers and those behind the dummy accounts na hindi alam ang batas at facts at basta basta na lang nauutusan manira.