“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman” (#1)
Ni: JD AGAPITO
Sa suporta ng Cagayan State University o CSU
Katuwang ang DOST-Region 2
Bignay na likas na puno sa Southeast Asia mismo
Food Supplement na ng bawat Filipino
Ang pananaliksik ay sa ilalim ng Cagayan State University
Isang programa na tumitiyak na mabuti
Sa paggamit ng mga halaman nating likas kaso
Ang potensyal para sa kalusugan ng lahat ay napakalaki
Si Dr. Maria Nilda Munoz na isang Balik Siyentista
Sa pananaliksik sa Bignay ang sadyang nanguna
Gamit ang batayang datos ng siyensa at teknolohiya
Ang Bignay ay kasalukuyang Food Supplement na
Antidesma bunius (L.) Spreng ang siyentipikong ngalan
Bignay, Bugnay o Bignai ang lokal na katawagan
Mismong bunga ng puno ang pinag-aralan
Nasa kapsula na ngayon at SUNBERRY kung tagurian
Napag-alaman gamit ang modelong dagang hayop
Bilang anti-inflammatory agent ang Bignay ay patok
Sa sakit na asthma, ubo, sipon, o sa paghina ay ayos
Laban sa arthritis, gout, o sakit ng kasukasuan ay tampok
Bilang panauhin sa programang Pinoy Scientist
Ibinahagi ni Dr. Munoz ang ginawang pananaliksik
Unang ginawa ay tingnan sa phytochemical analysis ang anim na berries
Napatunayan na tanging Bignay ang may potensyal na higit
Nanguna ang bignay sa naging resultang ng iba pang analyses
Kaya ipinagpatuloy ang pag-aaral nitong higit
Hanggang sa nai-apply na rin sa FDA at pinayagan na sa market
Food Supplement ang kategorya at pwede ng magamit
Dahil sa halos dalawang taon lang ang proyekto
Napakabilis, na naging komersyalisado
Kaya sadyang nakakabilib ang mga ganitong proyekto
Agad agad na napapakinabangan na ng mga tao
Ibinahagi rin sa Pinoy Scientist ang planong kasunod
Traditional Medicine ang sunod na itatampok
Sa sakit sa respiratoryo muna talaga tututok
Kaya may mga phases o clinical trials na iaayos
Sa huli ay may payo ang ating Balik Siyentista
Sa kapwa mananaliksik dito sa bansa nating iisa
Magpokus muna sa isang halamang sa tingin ay pinaka
Wag magpabago bago upang magtagumpay sa planong kay ganda.