image

Tinaguriang DAR 44 ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bro John Castriciones ang apatnaput-apat (44) na bagong graduates sa kursong Agrikultura na mula sa probinsya ng Palawan at Cagayan.

Tumanggap ang mga bagong graduates mula sa DAR ng tig-isang ektaryang lupa na ang labing apat (14) ay nagmula sa Palawan at ang tatlongpu (30) ay mula sa Cagayan.

Sa isinagawang seremonya sa pagbibigay ng CLOAs Certificate of Ownership Award nitong nakaraang Friday, February 5, 2021 na ginanap sa DAR Central Office Gynasium, Elliptical Road, Diliman, Quezon City.

Ito ang bagong estratehiya ng gobyerno sa mga kabataan upang mahikayat na makilahok sa agrikultura at kumuha ng ganitong kurso.

Ang ginanap na okasyon ay may Temang: “ Ang Lupang Ipinagtanggol ng Ating Unang Bayaning si Lapu Lapu ay Ating Pagyamanin.”

Ang ipinamimigay na lupa ay mula sa lupang pag-aari ng gobyerno sa ilalim ng Executive Order No. 75 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na Executive Order (EO) No. 75, Series of 2019, noong February 1, 2019, na pagkakaloob ng sariling lupa sa mga karapatdapat na benepisaryo sa ilalim ng  Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Tulad ng mga nagsipagtapos ng kursong agrikultura sa ngayon na tumaggap ng tig-isang ektaryang lupa.

Suportado naman ni Bataan Representave Geraldine Roman ang pagkakaloob ng gobyerno ng lupa sa mga benepisyaryong karapat-dapat na mabigyan ng lupa tulad ng pagkakaloob ng DAR sa 44 na mga bagong nagsipagtapos na estudyante.

Dumalo sa nasabing okasyon sina: Atty. Emely O Padilla, Undersecretary, SSO; Undersecretary Atty. Elmer N. Distor, OIC—Undersecretary, FOO; Bataan Representative Geraldine Roman; Lallo Mayor Florence Oliver Pascual, Busuanga Mayor Elizabeth Cervantes at ilan pang mga panauhin mula sa ibat-ibang ahensiya at sangay ng gobyerno.

Si RD Samuel S. Solomera DARRO II at RD Zoraida O. Macadindang DARRO-MIMAROPA ang nagbigay ng introduction sa mga kalahok at nagpakilala sa mga panauhin ayon sa kanilang nasasakupang rehiyon.

image

image

image