“Serye ngTulang  Dagdag Kaalaman” [#3]

Ni: JD Agapito

 

image

“Araw ng mga Puso”

Kapag Valentines Day iba ang pakiramdam
Puso’y lumulukso’t tibok ganun na lang
Nais ipakita itong pagmamahal
Dahil ang araw ay napakaespesyal

Kung sa nanliligaw maaring sagutin
Kung sa bagong kasal, pulot-gata mandin
Kung sa mag-asawa’y tiyak magloloving
Kung bagong mag-syota tiyak gagabihin

Tiyak na matrapik sa mga lansangan (sobra ngayon)
Maraming lalabas para  magdate naman
Dinner sa restoran at date sa sinehan
O kahit maglakad lang na nakaholding hands

Para yan ay noong walang Covid 19
Dahil sa pandemya ay ibang-iba na rin
Kalusugan ang dapat na unahin
Walang Valentine’s day kung ang buhay ay bawiin

Di kayang ipaliwanag ng kahit sinuman
Ang tunay na anyo nitong pagmamahal
Bawa’t mga tao’y mayroong kaibahan
Sa mga istorya ng pag-iibigan

Sadyang mahiwaga itong pagmamahal
Itong pakiramdam ay napakagaan
Parang nasa langit laman ng isipan
Tingin din sa mundo’y kulay rosas naman

Sa nagmamahalan ay mayroong payo
Linisin ang isip maging ang puso n’yo
Sikaping matupad mga pangarap ninyo
Habang nabubuhay maging tapat kayo

Dito sa aking tula ay mayroong dasal
Sa Diyos natin  ialay ang pag-iibigan
Hilingin sa kanyang tayo’y patnubayan
Siya ang maging sentro nitong sanlibutan