“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”

Ni: JD AGAPITO

image

“Araw ng mga Ina ngayong Pandemya” 2021

Ikalawang taon ng pagkakaroon ng Pandemya
Pero ipinagdiriwang pa rin ang Araw ng mga Ina
Dahil kung walang nagsilang ay wala talaga
O kung di man ay ang pag-aarugang walang kapara

Dahil ang INA o pagiging INA ay simbolo
Nitong pagkalinga at pag-aarugang totoo
Mula sa pag papalaki hanggang sa magkaapo
Yan ang tatak ng pagiging INA sa mundo

At Dahil may kinakaharap na krisis ngayon
Iba iba naman ang mga sitwasyon
Kung nag-oopisina man o hindi noon
Marami na ang tinatawag na “work from home”

Ibig sabihin ay mas pirmi na ngayon sa bahay
Kaya ang trabaho ay mas dumami at sabay sabay
Pang-opisina at mga gawaing pambahay
Pilit tinatapos at hindi sumasablay

Kaya sa araw na ito ay bigyang pansin
Ang mga ginagawa ng mga INA natin
Samut sari ang mga ginagawang tungkulin
Maitaguyod ang mga anak ang pinakalayunin

Sa pakiramdam ay di mawawala ang pag-aalala
Lalo na sa sakit na mabilis makahawa
Naroon sa puso at isip ang pangamba
Na pilit pinapawi ng pananampalataya

Kaya tibay ng kalooban ay laging hinihiling
Sa Dakilang Diyos na siyang gabay natin
Upang magampanan ang mga tungkulin
Na di naghihintay ng anumang kapalit sa bukas na darating

Salamat po,Happiness