“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”
Ni: Associate Prof. JD AGAPITO
Anong kaya nating magawa ngayong pandemya?
Sa panahong puno ng problema
Dahil sa di matapos na pandemya
Nawa ang pakikipagkapwa ay mauna
Pansariling interes ay sadyang ipahinga
Isang halimbawa ay sa oportunidad
Alam nating iba iba kasi ang mga antas
Kaya kitang kita ang kaibahang ganap
Kaya may “Inequity” na tinatawag
Ano ba ang ibig sabihin ng “inequity”
Ang di pagkakapantay pantay ng marami
Sa pamamalakad ay kayang bawasang mabuti
Pagitan ng mahirap sa mayaman ay di dapat lumalaki
Isang halimbawa na pwedeng ibigay
Dahil bakuna ay kulang na kulang sa suplay
Kaya isa isa lang munang beses para pantay
Hindi rin kasi sa siyensa yun nakabatay
Mayroon ding kumakalat na balita
Paracetamol ay nauubos na raw bigla
Walang katotohan dahil marami nito sa bansa
Lokal na produksyon ay kayang kayang magawa
Kaya sa panahong ito ng krisis
Pagtutulungan ang ating ninanais
Kung di makakatulong ay manahimik
Makakapag-ambag pa ng kapayapaan sa isip
Mahalagang isipin ang proteksyon
Kaya naman kunin ang pagkakataon
Na magpabakuna na sa lalong madaling panahon
Laban sa pandemya, yan ang tamang aksyon
Ang pagbabakuna ay di syento porsyento
Sigurihing sa protokol ay sumusunod pa rin tayo
Face mask face shield, distancing at washing ang mga ito
Pati pananalig sa Diyos na gumawa sa ating mundo