“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”

Ni; Associate Prof. JD AGAPITO

image

“Suporta at Pagmamahalan”

Sa dami ng mga nagkakasakit
Matindi ang dulot ng Covid
Samu’t sari ang nasa sa isip
Kay bigat bigat dalahin sa dibdib

Halimbawa ay kung maoospital
Iniisip ang gastos na kay mahal
Kahit pa may tulong pinansyal
Sa isang mahirap ito ay bawal

Marami rin ang di na nakaligtas
Bilang ng namayapa ay lantad
Kaya kapighatian ang dinaranas
At sa puso, isip at diwa ay kay bigat

Pagbabakuna ay di sapat na solusyon
Mga pag-iingat na payo ay mayroon
Face mask, face shield , handwashing iyon
Physical distancing ay isinusulong

Pinakamainam rin ang pumirmi sa bahay
Kaso paano kung sa pinansyal ay sablay
Dahil lalabas at lalabas para maghanap buhay
Di kayang ipilit na tumigil at maghintay

Maghintay ng biyayang di naman darating
Kaya nasa bawat isa kung ano ang magaling
Sa huli kahit ano pa ang dapat na sabihin
May mga bagay na di natin kayang kontrolin

Subalit may Diyos tayong kaya ang lahat
Marahil sa mga tao ay may ipinapamulat
Ang bumalik sa kanya at magpasakop ng ganap
Pananalig at pagtitiwala sa Diyos nating tapat

Sa huli wag ding mawawalan ng pag-asa
Patuloy na magdasal at makibaka
Magsuportahan at magmahalan talaga
At kung kunin man ng Diyos ay dapat handa na