“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”

Ni: Associate Prof. JD Agapito 

image

“Buwan ng Setyembre, 2021”

Pareho pa rin ang kasalukuyang suliranin
Pandemya ang pilit nilalabanang magaling
Dumami na ang uri ng bakunang gagamitin
Ngunit bilang ng nahahawa ay tumataas pa rin

Akala kasi kapag may bakunang naiturok
Medyo mag-iiba na ang nakukuhang datos
Ngunit natural na nag-iiba ang virus
May Delta variant na kung humawa ay patok

Kaya patuloy pa rin ang bakunahan
Minimum health protocol ay wag kalimutan
Face shield, face mask ang laging tandaan
Social distancing at mga kamay ay laging hugasan

Herd immunity ang dapat magkaroon
Sabi ay 70 porsyento ng populasyon
Dapat mababakunahan na agad ngayon
Upang matugunan na ang impeksyon

Subalit sa mga bagong variants of interest
Mahirap pang matupad ang sadyang ninanais
Bukod pa sa suplay na kulang na kulang na higit
Marami pang kailangan at dapat mabatid

Kaya patuloy pa ring magpalakasan ng loob 1
Patuloy na gawin ang mga aksyong papatok
Manalangin ng tapat at sa puso ay taos
Magkaroon ng pag-asang bukas ay aayos

Sa huli may mga magdiriwang ng kaarawan
Kahit pa sabihing walang handa at may kalungkutan
Patuloy naman sa pag-inog ang mundong ginagalawan
Kung saan nasa Diyos lamang ang tunay nating kaligtasan