Nakatanggap ng isang unit na truck at halagang Php 500,000 na pamuhunan ang United San Ildefonso Farmer Families Vegetables and Grains Marketing Cooperative (USIFFVGMC) mula sa proyekto ng Kagawaran ng Agrikultura na Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program.
Ayon sa Chairman ng kooperatiba na si Ferdinand Marcos, lubos ang pasasalamat niya at ang mga miyembro ng kooperatiba sa buong pagsuporta ng Kagawaran sa mga panukalang proyekto ng kanilang kooperatiba na tunay na makatutulong sa kapwa magsasaka at sa kabuuang ani ng bansa.
Inaanyayahan din ni Chairman Marcos ang mga kapwa magsasaka na sumapi sa kani-kanilang kooperatiba sa nasasakupang lugar upang makatanggap din ng tulong mula sa Kagawaran ng Agrikultura.
Binigyan diin din niya ang pagpaparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture na kung saan ito ang talaan at basehan ng Kagawaran ng Agrikultura sa pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda ng bansa.