Inanunsiyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora nitong nakaraang araw Mayo 18, 2022, na maari ng makuha ng mga empleyado ng City hall, at maging ang mga empleado ng San Juan Medical Center ang kanilang 13th month pay Mid-Year Bonus.
Kasama sa mga tatanggap ng Mid-Year bonus ang mga regular na empleayado, casual, at contractual. Ayon sa Alkalde, kailangan lang na mahigit sa apat na buwan ng namamasukan ang mga empleyado, simula July 1, 2021 hanggang Mayo 15, 2022, at nakapagtala na rin ng satisfactory rating.
Sa kaugnay na balita:
Una ng inanunsyo ni Mandaluyong City Mayor Menchi Abalos, noong nakaraang Lunes, Mayo 16, taong kasalukuyan, sa ginanap na flag raising ceremony, na maari nang makuha ng mga regular at casual na mga empleyado ang kanilang 13th month pay Mid-Year Bonus.
Tatanggapin umano ito ng mga empleyado sa pamamagitang ng kanilang ATMs.
Dagdag pa ni Mayor Abalos, na ang Job order at service contractual na empleyado, ay tatanggap din ng tatlong libong piso (P3,000) bilang tokens.
“Alam naman natin na karamihan sa mga ito nasa field assignments, pero kahit na hindi sila entitled na makatanggap ng 13th month Mid-Year bonus, bibigyan pa rin natin sila ng insentive sa kanilang pagseserbisyo”, ayon pa kay Abalos.
Sinabi pa ng Alkalde, na ang pamahalaang lungsod, ay magbibigay din ng loyalty cash incentive sa mga kwalipikadong opisyal at empleyado. Sa ilalim ng CSC MC No. 6, S-2002, Loyalty Cash Award is granted to an official or employee who has completed at least 10 years, and every five (5) years thereafter, of continuous and satisfactory service in the government.