Tiklo ang isang 20 anyos na Lalaki matapos mahulihan ng dalawang (2) Kalibreng 38 baril, habang nagsasagawa ng regular checkpoint ang mga tauhan ng PCP Sampaloc, Tanay MPS sa Quarantine Control Points ng nasabing lugar, bandang 3:30 ng hapon sa Barangay Sampaloc, Tanay Rizal  noong nakaraang Mayo 11, taong kasalukuyan.

Kinilala ang suspeck na si John Prince Loot Parcia, 20 anyos, isang construction worker at residente ng Sitio Pinagsabiran, Brgy Sampaloc, Tanay Rizal.

 Ipina-abot ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L Baccay kay Calabarzon Regional Director, Police Brigadier General Antonio C Yarra ang pagkakaaresto ng isang binatilyo sa checkpoint sa kahabaan ng Marilaque Highway Rd., Brgy., Sampaloc, Tanay Rizal.

Ayon sa impormasyon, sinita ng mga pulis ang suspek na naka motorsiklo, dahil sa tip na nakalap na may dalang baril ang suspek. Nakuha sa pangangalaga nito ang dalawang (2) caliber 38 revolver na baril at siyam (9) na pirasong bala, dinala na ang mga nakumpiska sa Rizal Crime Laboratory Office para sa Ballistic Examination.

Nahaharap naman sa kasong Paglabag sa RA 8294 na sinususugan ng RA 10591, at Resolution No. 10728 para sa Paglabag sa BP 881 kaugnay ng Omnibus Election Code of the Philippines. Nananatili ngayon sa kustudiya ng Tanay  Facility ang nasabing suspek para sa kinakaharap na kaso.