image

Simula ngayong araw November 4, 2022, boluntaryo na ang pagsusuot ng face masks sa lungsod ng San Juan sa loob at labas ng mga establishment.

Ito Ay matapos na lagdaan ni Mayor Francis Zamora ang isang City Ordinance No. 54, series of 2022 na nagpapatibay sa Executive Order No. 7 na inisyu ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face masks maliban sa mga health care facilities, medical transport vehicles at pampublikong sasakyang panlupa, panghimpapawid, at pangdagat.

Ang mga senior citizen, person with comorbidities, immunocompromized na indibidwal, buntis, at sa mga hindi pa nababakunahan at symptomatic ay malugod pa ring hinihikayat na magsuot ng face masks para na rin sa kanilang kaligtasan.

“Let us exercise our judgement and discretion in determining places and situations wherein face masks should be worn based on our individual health risks. For everyone’s information and guidance.”