image

Itinuturing na bayani ngayon si Philippine Army Corporal Jerry Palacio matapos itong pumanaw habang nagliligtas ng ating mga kababayan sa gitna ng pagbaha sa buong lalawigan ng Samar nitong nakaraang linggo.

Ang kanyang labi na ngayon ay nasa kanyang tahanan sa Mondragon, Northern Samar. Ito ay personal na pinarangalan ni Department of National Defense UnderSecretary Ariel Nepomuceno ng Office of Civil Defense (OCD).

Sa kanyang pagdalaw sa pamilya ni Palacio, ipinaabot ni Nepomuceno ang pakikiramay ng buong OCD, NDRRMC at DND. Sinamahan si Nepomuceno ni Colonel Efren Morados ng Philippine Army .

Bukod sa naturang pakikiramay ng OCD sa pumanaw, nakipagpulong din si Nepomuceno sa 43rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Lope De Vega Samar upang pagusapan ang isinagawang tulong ng naturang batalyon ng Army sa gitna ng kalamidad sa buong Samar. (Alfred Patriarca)

image

image