image

Dahil sa matagal na pagkatengga sa kongreso at Senado ng pagsasabatas para gawing medical cannabis o health medicine ang marijuana, patuloy na dumarami ang nagkakasakit sa bansa na ang tanging lunas ay ang medical cannabis. Kung kaya’t namang patuloy pa rin ang panawagan at pagsamo ng mga nagsusulong nito sa pamahalaan upang maipasa na ang heath medicine na medical cannabis na lunas sa napakaraming sakit sa bansa.

Sa isinagawang BAUERTEK Media Health Forum nitong nakaraang lunes, June 5, 2023, sinabi ni Dr. Richard Nixon Gomez, Bauertek General Manager / Scientist Inventor, na kung sakali mang maisa-batas na sa bansa ang marijuana para gawing medical cannabis, dalawang klase lamang ang maaring gawin sa medical cannabis. Ito ay gawing capsula o langis.

Dagdag pa ni Dr. Gomez, ang paaggamit ng medical cannabis oil ay maaaring ipahid sa ilalim ng dila. Maaari rin itong inumin at i-pang haplas sa mga kasu-kasuan na may pangangalay at pananakit. Samantalang ang capsula ay iinumin lamang. Maari itong ipainom kahit sa anong edad sa tamang dosage depende na rin sa kundisyon at sakit ng umiinom nito.

Sinabi pa Dr. Gomez, na sa loob ng 20 taon niyang pagawa ng halamang gamot, ang katutuhanan umano ay lahat ng bagay ay may side effect na kapag nasobrahan ay magkakaroon ng masamang epekto sa katawan. Ang kailangan lang umano ay ang pagkain ng tamang gulay, prutas, halaman, gamot at tamang  gamit ang siyang makapagbibigay ng solusyon sa karamdaman. Ang marijuana ay marami maitutulong sa ating katawan, gamitin lamang sa tamang pamamaraan. Dagdag pa ni Dr. Gomez.

Muli namang nanawagan sa gobyerno si Ms Rowena Pilapil, MedCann Party, Cannabis  Advocate, na sana umano ay maisabatas na at maging legal ang paggamit ng medical cannabis sa bansa at ng sa ganon ay magkaroon ng safe at epektibong  gamot at access sa medical cannabis ang katulad nilang mga nanay na may mga anak na may sakit na ang tanging lunas lamang ay ang pagamit ng medical cannabis.

Sinabi naman ni Jommy Teotico, MedCann Party, Cannabis Advocate, bilang isang bilango na halos 6 na taon na nakulong dahil sa drug war, maling batas at na setup lamang siya. Nakulong siya dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot na marijuana. Samantalang ito umano ang tamang gamot para sa kanyang karamdaman kung kaya kailangan niyan gumamit nito.

May reseta naman umano  ang kanyang doctor para sa kanyang sakit, subalit ito ay may masamang side effect sa kanya na maaring magdulot ng sakit sa puso kung kaya’t napilitan siyang mag research. Ang halamang gamot na marijuana umano ang may kahalintulad na sangkap para sa kanyang sakit na makapagpapagaling sa kanya at wala pang side effect, kung kaya napilitan siyang gamitin ang cannabis. Ito rin umano ang nagbigay sa kanya ng tamang daan para ayusin ang sarili at inspirasyon para magsulat ng isang libro na ang nilalaman ay self awareness at iba pa na para sa kapakanan ng makakabasa nito.

Ayon naman kay Ms Lea Pullon, Program Director ng Haraya Policy Center, bilang Program Director ng Haraya, nais nilang baguhin ang patakaran, regulasyon at batas sa ating bansa patungkol sa cannabis o marijuana para magkaroon ng mas malawak na access ang mga pasyente sa medical benefits ng cannabis o marijuana at mabago ang patakaran hingil sa cannabis na sinasabing “mapagparusang batas” ayon pa kay Director Pullon.

Naging panauhin sa nasabing Media Health Forum sina: Ms Rowena Pilapil, MedCann Party, Jommy Teotico, MedCann at Director Lea Pullon, Program Director, Haraya Policy Center.

Nagsilbing host pa rin sina broadcaster Edwin Eusebio at Rolly “Lakay” Gonzalo.

image

image

image

image