image

Swak sa kulungan ang kilabot na kawatan matapos masakote ng Cainta Municipal Police Station habang tinatangka pa nitong pasukin ang isa pang bahay sa Cainta, Rizal noong Linggo.

Sa ulat ni Cainta Municipal Police Station head PMaj. Alfonso P. Saligumba III kay Rizal Provincial Director, PCol. Dominic Baccay, tiklo ang suspek na si Michael Razon, nasa hustong gulang at residente ng Cainta Rizal, habang tinatangka pa umano nitong pasukin ang isa pang bahay sa St. Joseph Subdivision sa Barangay Sto. Domingo ng nabanggit na bayan.

Una nang pinasok ng suspek ang katabing bahay na pag-aari ni Clea Nedy Mendoza na nakuhanan ng P2,000 cash na halaga bandang alas-diyes ng umaga.

Bago pa nito, kita lahat sa CCTV camera ang pagnanakaw nito sa isang bahay  sa St. Joseph Subd. na natangayan ng P200,000 cash; tatlong bahay pa sa Merrick Subd; at isa sa A. Bonifacio Avenue na nakuhanan naman nito ng laptop at cellphone.

Binigyan naman ng parangal ng dating alkalde at ngayon ay municipal administrator Kit Nieto ang mga nakahuling police na nakatalaga sa Cainta Police station sa pagkakadakip sa kilabot na suspek .