image

Sa ginanap na “Media Health Forum” nitong nakaraang araw July 31 2023,  ipinakilala ni BAUERTEK President Dr. Richard Nixon Gomez ang mga panauhin na sina Maria Guadalyn Reyes Sensible Philippines Mabuhigh Maharlika, Thailand Arthur Reyes Sensible Philippines Mabuhigh Maharlika, ang Kaunaunahang Filipino na nagtayo at may-ari ng cannabis dispensary sa Thailand. Ipinakilala rin ang isa pang panauhin na si Thailand Chuck Manansala ng Masikhay Research.

Ayon kay Dr. Gomez, marami na ang produkto ng cannabis at dispensary sa Thailand, subalit iisa pa lamang ang Filipino na nag mamay-ari ng dipensary sa Thailand. Ito ang “Mabuhigh Maharlika” na Pilipinong pilipino ang dating, na pagaari ng mag-asawang Arthur at Guadalyn Reyes.

Ayon kay  Arthur Reyes, ang cannabis dispensary ay hindi lamang masasabing sa Thailand kundi sa buong bansa, dahil ito pa lang umano ang kaunaunahan sa buong mundo na ang nagmamay-ari ay Pilipino. Ang mga naka display sa kanilang shop o tindahan ay hindi lamang produkto ng Thailand, kundi produkto din na mula sa  Pilipinas kagaya ng t-shirt, sumbrero, jacket, at iba pang mga produkto na gawa mismo sa Pilipinas.

Tungkol naman sa marijuana, sinabi ni Art Reyes na sobrang bagal ng Pilipinas pagdating sa pag-aapruba ng batas, at halos napag-iwanan na umano ng ibang bansa. Dapat umano ay naipasa na ang batas na magpapahintulot na gamitin na ang medical cannabis para gamiting gamot sa mga may sakit na epilepsy, at marami pang ibang karamdaman, at pahintulutan na ang bansa na magtanim at mag manufacture ng medical cannabis.

Dagdag pa ni Art Reyes, hindi niya maintindihan ang mga nakaupo sa gobyerno, kung bakit hindi pa rin inaapprobahan ang batas. Sa Thailand umano, dinadaan-daanan lang ang mga stall na kabi-kabila ang mga nagtitinda ng medical cannabis.

Ayon naman kay Guadalyn Reyes, ang Sensible Philippine ay isang non-stock non-propfit at SEC registered organization. Ang get way ng legalization sa Thailand is their traditional herbal medicine. Ang ibig sabihin umano ay tanggap ang association nila at ang medical practice nila.

Dagdag pa ni Guadalyn na sa Thailand umano  100% ng mga  doctor ang nangangalaga sa cultivation at nangangalaga sa produkyon ng medical cannabis bilang tradisyunal herbal medicine doctor.

Ayon naman kay Chuck Manansala ng Masikhay Research, magmi-meeting ang Dangerous Drugs Board (DDB) ngayong araw July 31, 2023 para aksyunan ang kanilang petisyon. Dapat umanong malaman ng lahat na idiniklara na ng DDB sa isang board regulation na ang marijuana ay pwede ng iimport bilang gamot, kaya lang meron umanong limitasyon na isang canabinoid lang na tinatawag na CBD at ang THC ay hindi hihigit sa .01%, ito umano ay isang kalokohan dahil ang pwede lang iimport sa ganong pamantayan ay isang napakamahal na gamot na aabot sa $35,000.

Dagdag pa ni Manansala, na sana sa meeting ng DDB ay maisaayos ang pag schedule ng usapin hinggil sa marijuana at aksyunan na ang kanilang petisyon.

image

image