image

Exaktong alas-7 ng umaga pa lamang kahapon June 31, 2023, nagsimula na ang nation-wide simultaneous blood letting activity ng Pag-IBIG Fund.

Ayon kay Elmer Hernandez, ng Human Resource Management ng Pag-IBIG Fund, pinakaunang nag-donate ng dugo si Pag-BIG Fund Acting Senior Vice President Elmer Tugade bandang 7:15am sa mismong tanggapan ng PAG-IBIG fund sa Mandaluyong City.

Bukod sa Pag-IBIG Fund sa Mandaluyong, sabay-sabay din na nagdaos ng blood letting activity ang ilang piling sangay ng Pag-IBIG Fund sa buong bansa.

Dagdag pa ni Hernandez, target nila na makakolekta ng 500 bags ng dugo na ihahandog sa National Kidney Institute at Ace Medical Center.

Bukod pa sa mgà kàwani ng Pàg-IBIG Fund, mày mga donors din na mula sa PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Katuwang ng Pag-IBIG Fund sa blood letting àctivity ang Rótary Club of Chinatown, Dugong Alay Dugtong Buhày Foundation.

Sinabi ní Rotary Club of Chinatown Circle President Pierre Carlo Curay, ang kahalagahan ng dugo na aniya ay buhay, katulad ng pàghahandog ng dugo ng Panginoong Hesus upang mabigyan ng buhay ang sang katauhan, dagdag pa ni Curay.

Ang blood letting activity ay tumagal hanggang maghapon.

image

image_thumb[7]