image

Kaunting hakbang na lamang  maaprubahan na ang Medical Cannabis sa Pilipinas, ito ang mariing tinuran ni  BAUERTEK President, General Manager, scientist/inventor, Dr. Richard Nixon Gomez sa ginanap na BAUERTEK Media Health Forum nitong nakaraang araw ng lunes Augost 21, 2023, na ginanap sa isang restaurant sa Quezon City.

Isa sa naging basehan ni Dr. Gomez ang ginanap na webinar symposium 4 at 5 ng Philippine Medical Association  (PMA) na ginanap nitong nakaraang July 3, at Augost 14, 2023, na kung saan sa nasabing webinar iilan lamang ang mga Likes, Comments, at Shares ng nasabing symposium.

Pagkukumpara:

imageimage

Kumpara sa ginaganap na Bauertek Media Health Forum (MHE), na isinasagawa tuwing lunes sa isang restaurant sa Quezon City.

imageimage

Ayon kay Dr. Gomez kung bakit sinisiguro niya na magiging legal na ang paggamit ng medical cannabis dahil,  marami na umanong nagsasabi na ayaw ng magpakilala na pabor sila na gamitin na ang medical cannabis sa bansa, bukod pa doon sa mga guro at mga estudyante na nakapanayam sa isang  opisyal na serye ng survey na ginaganap sa kasalukuyan.  Sakaling matapos na ang isinasagawang survey dahil ginagawa ito nationwide, ito ay ilalabas na.

Dagdag pa ni Dr. Gomez, kayang-kaya talagang mag manufacture ng Medical cannabis ang bansa, dahil meron na tayong laboratoryo. Ang BAUERTEK ay na nabisita na ng ilang kongresista, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board (DDB), Media, at ilan pang opisyal ng gobyerno. Kaya nilang patunayan ito, dahil nakita mismo ng kanilang mga mata. Malakas ang kakayahan ng Bauertek. Kaya nating mag-isolate ng compounds ng halaman. Kukuha ng compounds at titimplahin sila para sa specific na gamot sa anumang uri ng sakit na kailangan ng pasyente. “Halimbawa na lamang sa sakit na epelepsy, kung may inhale cannabis ito ay makakatulong sa may epilepsy,” sabi pa ni Dr. Gomez.

Dagdag pa niya, definitely, magbubukas ang pintuan ng medical cannabis sa Pilipinas, dahil  kayang- kaya magtanim ang Pilipinas ng halaman para sa medical cannabis. Kaya ba nating magtanim, yes. Kaya ba nating magsupply, yes. Ayon sa proposed bill sa Kongreso at Senado, ang pagtatanim ng cannabis ay hindi pwede sa harap o likod ng bahay, kailangan nasa loob ng licensed facility at kumpleto sa gamit. Siniguro ni Dr. Gomez na meron tayong patent rules dyan.  Bilang scientist/inventor, I am sure all my inventions are properly patented.

Ayon naman kay Dr Mutia, “Hindi na po debate kung nakakagamot ang medical cannabis. Ang DOH (Department of Health) na si Secretary (Ted Herbosa) nirecognize ang medical cannabis bilang gamot. Talaga pong nakakatuwa. Medyo na-uupgrade na ang discussion natin na hindi na nakakasama sa tao at hindi nakakaadik ang medical cannabis,” dagdag ni Dr. Mutia.

Ang debate na lang po ngayon ay kung paano ireregulate ang medical cannabis na locally available at affordable at kaya nating gumawa ng generic o sarili nating gamot. “Nung 1960s, ipinagbawal ang cannabis. 2000s pinayagan na ang cannabis. Whether they (oppositors) agree or not, it will be legalized in the Philippines. Sigurado kasing maliwanag pa sa sikat ng araw na malelegalize ang medical cannabis sa Pilipinas,” dagdag pa ni Mutia.

“Wala pong side effects ang medical cannabis for as long as sinusunod ang prescription. Ang recreational use ng cannabis ay hindi pinapayagan, pero pwede sa mood enhancer.” “In terms of medical cannabis, mild lang ang effects, pero hindi po rason ito para gawing illegal at stigmatize ang paggamit ng medical cannabis.” ayon pa kay Dr. Mutia.

Sinabi naman ni Dr. John Ortiz Teope, na sakaling maisa-batas na ang paggamit ng medical cannabis sa bansa, ito ay makapagbibigay ng malaking kontribusyon pagdating sa ating national security, kagaya ng food security, health security at iba pa. Sa health security, mababawasan ang magkakasakit ng malalang karamdaman, mababawasan din ang mamamatay, hahaba ang buhay, at giginhawa ang buhay. Dagdag pa ni Dr. Ortiz, “Timely, internationally-accepted medically. Sa puntong iyan, makikita sa atin at sa kapwa Filipino natin. Halos karamihan, isa, dalawa o tatlo na lang ang tumututol,” ayon pa kay Dr. Ortiz.

“Hindi po ito laban ng mga adik. Ito po ay laban para sa kalusugan. Marami tayong puntong tinitingnan. Wala na tayong tinitingnan na medikal. Ang tinitingnan nila ay kailan ba natin magagamit ang medical cannabis bilang gamot para gamutin ang mga maysakit,” sabi ni Ortiz. “Walang pag-aaway o debate tungkol sa medical cannabis, dahil sumusuporta na rin ang mga makabayan at militante, opposition, at lawyers, dahil nakikita na nila ang kahalalagan ng medical cannabis,” “There are clinical trials abroad that are internationally-accepted. Dahil dito, hindi na pupunta sa abroad ang mga Filipino para magpagamot,” Dagdag pa ni Ortiz .

Naging panauhin sa nabanggit na forum sina Dr. John Ortiz Teope Phd, EDd, DES, DM National Secretary General Timpuyog Pilipinas Inv. Mart Paragoso Consultant Dangerous Drugs Committee House of Congress, Dr. Gem Marq Mutia Adult Medicine Specialist Founder Philippine Society of Cannabinoid Medicine. Nagsilbing host at tagapamagitan sina veterance broadcaster, Edwin Eusebio at Rolando “Lakay” Gonzalo.

image

image