Ikatlong survey ng ilang grupo na pumapabor sa pagsasabas ng medical cannabis sa Pilipinas, posibleng ilabas na sa unang buwan ng susunod na taon.
Posibleng ilabas na sa unang buwan sa susunod na taon ang resulta ng ikatlong suvey na ginagawa sa ngayon ng ilang grupo na nagnanais na malaman ang opinyon ng mga tao sa bawat sulok ng bansa. Ito ay kinabibilanagan ng mga taong nasa mataas na antas ng lipunan (class A), medium (class B), at maging ang mga nasa laylayan. Ito ang mariing tinuran ni BAUERTEK General Manager, /Scientist/Inventor Dr Richard Nixon Gomez sa ginanap na Media Health Forum noong lunes Sept. 11, 2023.
Pahapyaw na sinabi ni Dr Gomez, na pumapabor sa kasalukuyang ginagawang survey sa ngayon ang mga nasa class A dahil, ito ang naunang ininterview ng grupo ng mga nagsusurvey, na kinabibilangan ng mga nasa gobyerno at pribadong sector, mga estudyante at mga guro. Dagdag pa ni Dr Gomez na mas lalo pang lolobo ang papabor sa pagsasabatas ng medical cannabis, sakaling umabot na sa middle class at mga nasa laylayan ang pagiinterview na ginagawa ng grupo, dahil umano sa marami na ang mga nakakaalam na ang medical cannabis pala ay gamot sa may mga malalang karamdaman na may magandang dulot sa kalusugan ng tao.
Muli namang binaggit ni Dr. Gem Marq Mutia, adult medicine specialist at president ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine, na sa ilalim ng RA 9165, legal ang pag-import ng narcotic drug mula sa abroad at dalhin dito sa Pinas gamit ang compassionate special permit. Subalit isa lamang nabigyan at hindi pa maka-access ng medical cannabis dahil sa dami ng requirements at super taas ng presyo, dagdag pa ni Dr. Mutia.
Sinabi pa ni Dr. Mutia, kahit technically legal ang research ng medical treatment, hindi ito sustainable. Ang THC para sa chronic pain ay approved na sa US noon pang 1996 at 2018 FDA-approved ang cannabinoid para sa intractable disease, dagdag pa ni Mutia.
Dagdag pa niya, ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay nakabili ng marijuana extract sa lokal na drugstore sa kanyang kapanahunan, na ang ibig sabihin lang, locally available na ang medical cannabis sa matagal ng panahon. Bukod pa sa sinasabing historical ng ginagamit ang medical cannabis 4,000 taon na ang nakalilipas.
Matatandaang una ng naging bisita sa Media Health Forum si Ms Zarah Uytengco-Cruz, na isa sa kaunaunahang naging empleyado sa City of Sacramento Office of Cannabis Management (OCM) taong January 2017. Sa kanyang Work History, nakasaad na siya ang Program Specialist for OCM sa siyudad ng Sacramento sa California na “specializes in policy development at licensing regulations since 2017 to the present.” Nagretiro siya para tumulong sa Pilipinas na maisabatas ang paggamit ng medical cannabis sa bansa.
Ayon kay Dr. Gomez, si Ms Zarah ang isa sa makakatulong ng malaki sa pagsusulong na maging legal ang medical cannabis sa bansa. Ito umano ay dahil na rin sa 20 years na karanasan ni Ms Zarah Cruz bilang head ng cannabis department ng Sacramento. Si Zarah rin ang isa sa naging dahilan para maging legal ang paggamit ng medical cannabis sa Sacramento California, na isa sa pinakamalaking cannabis industry sa buong Estados Unidos sa ngayon.
Ayon naman kay Ms. Zarah Uytengco, ang bagong version ni Senator Robinhood Padilla ang isa sa makatutulong ng malaki para tuluyan ng pumasa sa Senado at Kongreso ang pagsasa legal ng medical cannabis sa bansa. Sa ngayon umano meron na lang minor problems na dapat isaayos para tuluyan na itong maisabatas.
Naging panauhin sa isnagawang Forum sina: Ms Zarah Uytingban Cruz, Cannabis Program Specialist City of Sacramento, California at Dr. Gem Mutia, Adult Medicine Specialist, Founder, Philippine Society of Cannabinoid Medicine. Nagsilbing moderator si Broadcaster Roland “Lakay” Gonzalo.