Pinangunahan ni Dr Richard Nixon Gomez, scientist/inventor, General Manager, Bauertek Corporation ang isinagawang Media Health Forum (MHE) nitong nakaraang October 23, 2023 na ginanap sa isang restaurant sa Eton Centris , Walk Cluster 3 Edsa, Quezon Avenue, Quezon City.
Naging panauhin sa nasabing Forum sina Mr. Jake Lanting, Singer/Songwriter, Medical Cannabis Advocate at Member, Cannahopefuls Inc. at Dr. Gem Mutia Adult Medicine Specialist Founder, Philippine Society of Cannabinoid Medicine.
Ilang araw na lamang mula sa mga sandaling ito isasagawa na ang pinakahihintay ng napakaraming Pilipino ang Ground Breaking Ceremony ng BAUERTEK Corporation na pasisinayaan ngayong buwan ng Nobyembre taong kasalukuyan. Ang nasabing pasilidad ay itatatayo sa isang napakalawak na lupain sa bandang north. Ang nabanggit na Hybrid processing plant ay nagkakahalaga umano ng multi-million-dollars, na ang mga modernong kagamitan ay sa US pa di umano dinesenyo para maging de kalidad ang medical cannabis na gagawin sa bansa.
Ayon kay Dr. Richard Nixon C. Gomez, bagama’t hindi pa tuluyang naisasa-batas ang paggawa ng medical cannabis sa bansa, patuloy ang kanilang paghahanda sa mga kakailanganin. Una na rito ang paghahanda sa mga pasilidad na gagamitin sa pagpoproseso ng halamang gamot na marijuana para gamiting health medicine, paghahanda sa mga specialistang doctor, scientist, at mga staff na siyang katuwang sa pagpoproseso ng halamang gamot. Ihahanda na rin ang mga farmers na magtatanim at mangangalaga sa mga pananim na halamang gamot.
Dagdag pa ni Gomez, directang makikinabang dito ang aabot sa humigit sa 200 katao na ang 100 ay mga farmer at ang 100 naman ay katuwang sa loob ng pasilidad, hindi pa kabilang ang mga apprentice na kukunin para magtraining sa loob ng planta.
Sinabi naman ni Dr. Gem Mutia, adult medicine specialist at Presidente ng Philippine Cannabinoid Society, na ang cannabis oil na mula sa marijuana ay maaring makapagpagaling ng ibat-ibang uri ng schlerosis, epelepsy, HIV wasting syndrome at iba pang mga sakit. Pinag-aaralan na rin umano na ang medical cannabis ay maari ring makapagpagaling ng trauma. Dagdag pa nito na ang marijuana ay mayroong mahigit sa 500 ingredients na mayroon ang THC at CBD (Cannabinoid) na kayang pagalingin ang may malalang ibat-ibang uri ng karamdaman, diin pa ni Dr. Marq Mutia.
Dagdag pa ni Dr. Mutia, kamakailan lamang sila ni Dr. Gomez ay nagkaroon ng pikikipag – ugnayan kay Senator Robin “Robinhood” Padilla na kung saan tinalakay nila kasama ang Technical Working Group (TWG) team para pagtibayin ang provisions tulad ng pagpapatibay ng Philippine Medical Cannabis Authority at ng Philippine Medical Cannabis Development Center.
Ayon naman kay Mr. Jake Lanting, Singer/Songwriter, Medical Cannabis Advocate Member, Cannahopefuls Inc., matagal na rin siyang advocate ng medical cannabis dahil, may mga kaibigan din siya at kamag-anak na nangangailangan ng halamang gamot na marijuana, kung kaya pinag-aaralan na rin niya na gawan ito ng kanta, para maipa-abot at maramdaman ng mga taga pakinig ang nilalaman ng gagawin niyang komposisyon at ang kahalagahan ng medical cannabis sa mga may sakit na nangangailangan nito.
Nagsilbing Host at MCEE pa rin si Broadcaster Edwin Eusebio.