image

Sa isang matagumpay na pagtitipon kamakailan sa Mabalacat, Pampanga, matagumpay ang pagsasagawa ng Kilusan ng Bagong Lipunan (KBL) ng Search for Miss KBL at band competition sa Royce Hotel. Ito ay dinaluhan ni Ms. Imelda Papin, dating vice governor ng Camarines Sur.

Dinaluhan din ng mga lokal at pambansang pulitiko na nagbigay parangal kay Estephanie Ladignon ng Nueva Ecija bilang Miss KBL at ang Salinlaji Band mula sa Pampanga na nagwagi sa band competition.

Pinuri ni KBL national president Efren A Rafanan ang matibay na karakter ng mga miyembro ng partido, anito: “Bilang mga miyembro ng KBL, bahagi kayo ng isang komunidad na sumasagisag ng pag-asa sa aksyon.”

Inaasahan na maging party list ang KBL sa hinaharap, ayon sa mga opisyal nito. Sinabi naman ni KBL vice president para sa North Luzon, Crisiljefv G. Garrido, na “United, we are stronger,” at nanawagan sa mga miyembro na magtulungan para malampasan ang anumang hamon.

Dumalo rin ang mga kilalang personalidad tulad nina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Z. Duterte, na nagbigay ng mga mensahe sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan.

Si Marcos ay nanawagan sa mga miyembro na manatili sa misyon ng partido, habang si VP Duterte ay nag-encourage na magkamayang magtulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bansa.

Inihayag naman ni Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang pagtugon ng KBL sa kanilang “vision,” na naglalayong itatag ang isang maunlad at nagkakaisang bansa.

Sa huli, marami sa mga dumalo ang nanawagan kay Ms. Imelda Papin na tumakbo bilang senador, na pumayag sa huli matapos mag-atubiling simulan. “Magiging maganda ulit ang bansang ito basta’t tayo’y magtulungan,” aniya.

Inaasahang mas lalakas pa ang KBL kapag ito’y naging isang party list.

image

image