image

Nagpakitang gilas ang limang distrito ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at RMFB sa paggamit ng drone nitong nakaraang April 17, 2024, na ginanap sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ang nasabing tactical drone operation competion ay kinabibilangan ng Southern Police District (SPD), Eastern Police District (EPD), Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Northern Police District (NPD) at Regional Mobile Force Batallion (RMFB)

Dumalo rin Ang Civil Aviation Authority of the Philippines – Aerial Works Certification and Inspection Division (CAAP-AWCID) upang obserbahan ang nasabing kompetisyon sa ilalim ng Flight Operation Department sa pamumuno ni Captain Ian Michael del Castillo,

Ayon kay Captain Ian Michael Del Castillo CAAP- Division Head, Aerial Works Certification and Inspection Division under Flight Operation Department, nakakatuwa umano habang pinagmamasdan ang tactical drone competition dahil sa talagang napakahalaga nito.

“ Una, napakahalaga ang kakayahan ng isa kung paano umiwas sa mga posibleng magiging balakid dahil sa pangunahing ginagamit ang mga drone sa pagmamanman,” pahayag ni Del Castillo.

“Dahil sa competisyon na ito, matututo pa ng higit ang ating mga kapulisan ng kinakailangan nilang abilidad at diskarte upang lalo pang maging mahusay sa pagganap ng kanilang tungkulin,” dagdag pa ni Del Castillo.

Mahalaga talaga ang mga skills na makikita natin sa ating kapulisan sa paggamit ng iba’t ibang uri ng urban scenarios. Unang-una na dito ang pag-iwas sa mga hadlang, dahil ang kanilang ginagamit na drone ay para sa pangangalap ng impormasyon.

Sabi pa ni Castillo, na sa mga lugar tulad ng siyudad, may mga gusali at bahay na kailangang i-navigate, kaya ang kursong ito ay nagbibigay ng mga kakayahan na kinakailangan para sa kanilang tungkulin at misyon sa araw-araw.

Nagpa-alala rin ito sa mga gumagamit ng drone, na ang maximum na taas ay 400 na talampakan mula sa antas ng lupa, bawal lumipad sa mga lugar na maraming tao, at hindi dapat lumipad sa loob ng 10 kilometro mula sa anumang paliparan. Kung may mga proyekto na kailangan lumabag sa tatlong batas na iyon, pwede humingi ng espesyal na pahintulot sa CAAP. Ang mga pribadong gumagamit ng drone ay maaari rin kumuha ng pahintulot, subalit ang huling desisyon ay nasa kamay na ng LGU. Ngunit kung gagamitin ito sa isang komersyal na paraan, mas mainam talagang mag-training muna, dagdag pa ni Del Castillo.

32634c66-dddf-4e43-a960-2adb6e956435

b79c42b7-455d-4a11-9680-13774b2fcb60

14ccb8b9-5f7e-4e4b-a09f-d97741fb8efd