viber_image_2024-11-26_16-41-32-998

Sa ikalawang sunod na taon, pinarangalan ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa natatangi nitong mga nagawa at kahusayan sa serbisyo.

Ngayong taon, dalawang pagkilala ang iginawad ng GCG sa PCSO:

  1. Isa sa Pinakamataas na GOCC sa 2023 Performance Scorecard
  2. Perpektong Iskor sa Stakeholder Relationship Section ng Corporate Governance Scorecard mula 2021 hanggang 2023

Noong nakaraang taon, tinanghal din ang PCSO bilang “Most Improved GOCC” matapos makakuha ng mataas na iskor na 92.03% sa kanilang performance scorecard.

Tinanggap nina , PCSO General Manager Melquiades A. Robles, Chairman Judge Felix Reyes (ret.),  at mga miyembro ng Board of Directors na sina Jennifer E. Liongson-Guevara, Janet De Leon Mercado, Imelda A. Papin, at Board Secretary Atty. Charles Frederick T. Co ang parangal sa GCG Awards na ginanap noong Lunes, Nobyembre 25, sa Philippine International Convention Center.

Ayon kay GM Robles, ang mga parangal na ito ay patunay sa dedikasyon at sipag ng buong PCSO team na patuloy na nagtataguyod ng mataas na pamantayan sa serbisyo at pamamahala.

Aniya, “Ang ating mga tagumpay ay hindi lamang bilang; ito’y simbolo ng ating responsibilidad na maglingkod sa sambayanang Pilipino at masigurong tumutugma ang ating mga programa sa direktiba ng Pangulo para sa ‘Bagong Pilipinas.’”

Ang GCG Performance Evaluation System (PES) ay sumusukat sa mga nagawa ng mga GOCC batay sa mga itinakdang pamantayan at target sa performance scorecard. Layunin nitong itaguyod ang kultura ng mahusay na pagganap sa mga GOCC upang epektibong maabot ang kanilang mga layunin.

viber_image_2024-11-26_16-41-34-922