image

Matagumpay na naman ang pagdiriwang ng magarbong “Sumbingtik Festival” (Suman, Bibingka at Latik) na kung saan may temang “Pistang Perya Sa Cainta” na lubos na kinagiliwan ng mga taga-Cainta.

Nasa 22 floats ang nakiisa sa Grand Float Parade na naganap, Sabado, Nobyembre 30 na bumida naman sina Mayora Ellen Nieto at Admin Kit Nieto at ibang sponsors at mga civic groups na nakiisa sa parada na nilaanan ng P100,000 na premyo.

Ayon kay Mayor Ellen Nieto, ibinalik nila ang sigla ng SumBingTik matapos ang pandemic at mas pinasaya sa temang “Pistang Perya Sa Cainta”.

Nagkaroon ng Ms. Gay Queen, Caindakan Street Dance, Serenata na bida ang mga malalaking banda ng sinaunang panahon.

Unahan sa Color Fun Run at Bike Ride, bilang pag-promote ng health and wellness.

Youth Can Dance para sa kabataan at LGU Day na may halong Palarong Pinoy na inilaan naman wa mga empleyado ng munisipyo.

Magtatapos ang Sumbingtik Festival sa huling araw ng programa na may pa- Zumba at Aero Marathon. VICK AQUINO

image