image

Quezon City – Noong Enero 23, pinangunahan ni Rep. Rodante Marcoleta ang pag-ani ng mga gulay sa proyektong Gulayan at Bulaklakan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City. Kasama niya sina DILG Undersecretary Felicito A. Valmocina, Barangay Holy Spirit Chairwoman Estrella “Star” Valmocina, mga kagawad, at iba pang opisyal ng barangay.

Dinagsa ng mga residente ng Barangay Holy Spirit ang nasabing aktibidad. Ang mga inaning gulay tulad ng repolyo, petsay, okra, malunggay, at iba pang sari-saring gulay ay ipinamigay nang libre sa mga taga-barangay.

Ang proyektong Gulayan at Bulaklakan ay nagtataguyod ng community gardening gamit ang makabago at recycled na materyales. Layunin nitong:

  1. Magbigay ng karagdagang kita para sa mga residente.
  2. Magsilbing dagdag na mapagkukunan ng pagkain.
  3. Pabanguhin at pagandahin ang komunidad.

Upang masiguro naman ang tagumpay ng programa, nagsagawa ng mga seminar tungkol sa tamang pagtatanim, marketing, at organisasyon para sa mga benepisyaryo ng buto ng halaman. Patuloy din ang regular na monitoring ng Serbisyo Muna! task force at Department of Agriculture upang magbigay ng suporta para sa  tuloy-tuloy na tagumpay ng proyekto.

Sa ginanap na press conference, binanggit ni Rep. Marcoleta ang ilang mahahalagang batas na kanyang ipinanukala upang makatulong sa agrikultura. Kabilang dito ang:

  • Mechanization Act – Naglalayong gawing lokal ang produksyon ng makinarya para sa pagsasaka.
  • Sagip Saka Act – Tinutulungan ang mga farm enterprises na magkaroon ng access sa lokal na pondo.
  • Modernization of Fishery Act – Nagbibigay suporta para sa makabagong teknolohiya sa pangingisda.
  • Loanable Funds Act – Naglalaan ng pondo para sa pagpapautang sa mga magsasaka at mangingisda.

Sa usapin ng Food Security, sinabi ni Rep. Marcoleta na hindi dapat pangarapin agad ito. Ipinaliwanag niya na ang food security ay makakamtan lamang kung magiging kasing-asenso ng Singapore ang Pilipinas. Sa food security, ang isang tao ay maaaring makabili ng kahit anong pagkain na gusto niya – masustansya, masarap, at abot-kaya anumang oras.

Ngunit para sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, mas mainam aniyang pagtuunan muna ng pansin ang  o sapat na pagkain para sa lahat, kahit hindi ito ganap na masustansya o masarap. Dagdag pa niya, “Kapag umunlad na ang bansa, saka natin pag-usapan ang food security.”

Ayon kay Marcoleta, mahalaga ang tamang liderato para maisakatuparan ang mga layuning ito.

image

image

image

image