image

“Hindi ito serbisyo para yumaman. Ito’y serbisyo para yakapin ang bawat pusong nangangailangan.”

Ito ang malinaw at taos-pusong mensahe ni Ate Sarah sa kanyang hangaring maging susunod na alkalde ng Pasig. Para sa kanya, ang pagiging lingkod-bayan ay hindi tungkol sa kita, kundi sa kabutihang naibibigay sa kapwa.

Kung siya ay palaring mahalal, tiniyak ni Ate Sarah na wala ni isang sentimo ng kanyang buwanang sweldo ang mapupunta sa kanyang sarili. Ang buong halaga ng kanyang sahod ay ibibigay sa mga charity foundations na tumutulong sa:

  • mga batang may malubhang karamdaman,

  • mga Persons with Disability (PWD),

  • mga matatandang kadalasang nakakalimutan,

  • mga ulila,

  • at sa lahat ng kapatid nating naghahanap ng pag-asa.

Hindi siya nag-iisa sa layuning ito. Kasama niya si Kuya Curlee, kanyang asawa at katuwang sa buhay, na nangakong tatapatan mula sa sarili niyang bulsa ang bawat halagang ibibigay ni Ate Sarah. Kung ano ang maibibigay ng isa, dodoblehin ng isa pa.

Isang pangakong hindi lamang ipinopost tuwing kampanya, kundi isang paninindigang bunga ng taimtim na dasal at matibay na desisyon na isantabi ang luho para mailaan ang sarili sa serbisyo.

Para sa mag-asawang Ate Sarah at Kuya Curlee, ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa dami ng pera, kundi sa dami ng pusong napangiti, buhay na natulungan, at pamilyang muling nagtiwala sa gobyerno.

Ito ang klase ng lideratong handang magsakripisyo. May paninindigan. May malasakit. At may pusong hindi titigil hangga’t may nangangailangan ng tulong.