KWF, Pinalakas ang Tindig para sa Wika at Kultura sa Mindanao

ad5502b4-ed58-42c1-b490-88f08098bcc0.jfif

KORONADAL CITY, SOUTH COTABATO — Pinalakas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pakikipag-ugnayan nito sa mga institusyon sa Mindanao matapos magsagawa ng courtesy visit sa Regional Office ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Koronadal City noong Hulyo 9, 2026.

Sa pulong, tinalakay ng KWF at NCIP ang mga kasalukuyan at nakatakdang proyekto ng Komisyon na nangangailangan ng koordinasyon at pagtutulungan ng dalawang ahensiya, partikular sa mga usaping may kaugnayan sa wika at kulturang katutubo.

e2d94563-e8d2-4e20-8752-8b51c0952522 (1).jfif

Bumisita rin ang mga kinatawan ng KWF sa University of Santo Tomas (UST) General Santos City Campus upang talakayin ang posibilidad ng pagtatatag ng Sentro sa Wika at Kultura (SWK) sa nasabing pamantasan.

Bilang bahagi ng kanilang pagbisita sa Mindanao, nakipagpulong din ang KWF sa Sentro sa Wika at Kultura ng Mindanao State University (MSU) General Santos City Campus para higit pang mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan sa mga proyektong pangwika.

fa7cb943-ce24-46d6-b89d-1d698287b8f9.jfif

Ang Sentro sa Wika at Kultura (SWK) ay isang patuluyang programa ng KWF na naglalayong palakasin ang mga programa at gawaing pangwika at pangkultura sa loob ng mga pamantasan.

Inaasahang magsisilbing katuwang ang mga SWK sa pagpapayaman, pagpapaunlad at pagpapanatili ng mga katutubong wika at kultura sa mga rehiyon, kasabay ng pagpapatupad ng mga susunod na proyekto ng KWF at mga katuwang nitong institusyon.

cd39a0d5-2a38-485a-ab58-fe959fe1b05d.jfif

ec8be59f-d41b-40e2-84bf-b4dc61691503.jfif

Facebook Comments