MEGA SARDINES, LUMALAWAK SA AMERIKA; TARGET ANG 2,750 KROGER STORES

b675cd72-797d-4cc8-9ecf-4aeab11f6f86.jfif

QUEZON CITY — Lumalawak na sa Estados Unidos ang presensya ng Mega Sardines matapos itong ilunsad sa humigit-kumulang 2,750 stores ng Kroger at mga affiliated brands tulad ng Mariano’s, Fry’s, Dillons at Pick ‘n Save.

Unti-unti nang lumalabas sa mga shelves ang produkto sa iba’t ibang bahagi ng Amerika, at target ng kumpanya na maging available ito sa buong bansa pagsapit ng kalagitnaan ng Setyembre.

Ayon kay Marvin Tiu Lim, Chief Growth and Development Officer, layunin ng kumpanya na hindi lamang sa mga tindahang Filipino mabili ang Mega Sardines kundi maging sa mainstream supermarkets sa Amerika.

Sinabi niyang kaya ng kumpanya na gumawa ng hanggang 3 milyong lata ng sardinas bawat araw, at patuloy na lumalawak ang export market nito sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Kenya, Jordan at Azerbaijan.

ad46d2ac-6846-40f9-ab5e-476840eb8d05.jfifcd442bdf-e138-4e57-9ea9-70922f42a089.jfif

Binigyang-diin naman ni Michelle Tiu Lim-Chan, President at CEO, na lahat ng produktong iluluwas sa Amerika ay manggagaling mismo sa Pilipinas. Aniya, 24 na taon na silang nasa export business at kasalukuyang nag-e-export sa 30 bansa.

Ayon kay Michelle, mahalaga rin ang pakikipagtulungan ng kumpanya sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at pagsunod sa fishing ban bilang bahagi ng pagsusulong ng sustainable fishing.

Para naman kay James Michael “Jim” Lafferty, International Market Partner ng Turnaround Artists, malaking oportunidad ang Amerika para sa Mega Sardines, lalo na’t malaking bahagi ng merkado nito ang mga Filipino at iba pang mamimili.

d4c5c8fb-401d-499b-936d-e21637759019.jfifa9b16822-1fff-485c-944d-23fd9e8f37fd.jfif

Samantala, sinabi ng founder at chairman na si William Tiu Lim na nagsimula ang kanilang negosyo mahigit 51 taon na ang nakararaan bilang isang maliit na fishing company na ang layunin ay makapagbigay ng abot-kaya at masustansiyang pagkain sa mga pamilyang Filipino.

Aniya, nais nilang maging isang globally known Filipino brand ang Mega Sardines at patuloy na isulong ang sustainable fishing.

Ayon sa mag-asawang William at Marylou Tiu Lim, mahirap man ang pagpasok sa American market, malaking tagumpay ang pag-abot ng Mega Sardines sa mga pangunahing supermarket sa Amerika.

3a9eba2c-bd24-4384-a714-0c9599d06052.jfif7148d467-3233-46e6-8457-79b7179289f4.jfif

Sinabi ni Marvin Tiu Lim na ang kanilang pangarap ay hindi lamang maging matagumpay na sardinas brand sa Pilipinas kundi maging numero-unong sardinas brand sa buong mundo.

Aniya, ang pagpasok ng Mega sa Amerika ay simula pa lamang ng mas malawak na paglawak ng kanilang negosyo at pagkakataong maipakilala sa mas maraming bansa ang isang tatak na tunay na gawang Filipino at maipagmamalaki sa buong mundo.

20913f32-b096-45ba-b772-54aeb5d9b403.jfif

Facebook Comments