KWF, Pinalalakas ang Pagbuo ng Ortograpiya ng Wikang Ási

cad198f7-7641-4ec7-9dc6-4b1d84292586.jfif

CALATRAVA, Romblon — Pinalalakas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang dokumentasyon at pagpapaunlad ng mga katutubong wika sa bansa sa pamamagitan ng publikong konsultasyon para sa pagbuo ng Ortograpiya ng Wikang Ási noong Setyembre 30, 2026, sa Linao Elementary School sa Calatrava, Romblon.

Pinangunahan ang konsultasyon ng mga mananaliksik ng KWF na sina Dr. Jose Evie G. Duclay, Rolien Mark M. Balisi, at Christian DS. Nayles, katuwang ang Department of Education (DepEd)-Romblon sa pangunguna ni Dr. Jordan Solatorio, Indigenous Peoples Education (IPEd) focal ng lalawigan.

c00be20f-2b12-4567-a91e-d8b74a656e76.jfif

Dumalo sa konsultasyon ang mga elder at miyembro ng komunidad, mga kinatawan ng Calatrava, Batangay at Municipal IPMR, gayundin ang bise alkalde ng Calatrava. Nakiisa rin ang mga punong-guro, mga pinuno mula sa iba’t ibang paaralan, at ang Regional IPEd focal ng Rehiyon IV-B MIMAROPA.

Sa konsultasyon, inilahad ang bawat kabanata ng borador ng ortograpiya upang makuha ang mga komento at mungkahi ng mga kalahok. Layunin nitong masuri at higit na mapahusay ang borador batay sa kaalaman at pananaw ng komunidad na gumagamit ng wikang Ási.

Bahagi ang gawaing ito sa patuloy na programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon, at Promosyon (SLPP) na naglalayong paigtingin ang dokumentasyon, pagpapaunlad, at pagsusulong sa paggamit ng mga katutubong wika sa Pilipinas.

fc5e1602-9ada-4944-bb2c-b17c45a61005.jfif

eef4c076-4d5e-4fe5-97e7-0ccf3f112019.jfif

Facebook Comments