image

Napakaraming polisiya ang bansa natin pagdating sa pagsasa- legal at paggamit ng medical cannabis , na siya ring nagiging hadlang sa potensyal na paglago ng bansa.

Sa ginanap na BAUERTEK Media Health Forum nitong lunes June 26, 2023 na may temang “Drug Policies in the Phillipines,” naging sentro ng usapin ang napakaraming polisiya sa bansa na nagiging hadlang para umunlad ang Pilipinas. Ito ang mariing tinalakay at pinag-usapan sa ginanap na Media Health Forum na ginanap sa isang restaurant sa  ITON CENTRIS, Quezon, City.

Naging panauhin sa nabanggit na forum sina: Kimmi del Prado, Drug Policy Reform Advocate, Iducare Coordinator, Co-Founder, Sensible Philippines at Dr. Gem Mutia, Founder, Philippine Society of Cannabinoid Medicine.

Ayon kay Kimmi del Prado, nai-kwento nito ang hirap na dinanas nila kung paano mag lobby sa kongreso kasama ang ilang advocates, mga magulang at mga maysakit na kailangan ng gamot na marijuana. Iniisa-isa umano nila ang bawat pinto ng mga kongresista para lamang suportahan ang kauna-unahan nilang 2015 House Bill – (HB) 834477  na humihiling na maisabatas ang paggamit ng marijuana sa bansa. Subalit hindi umano ito pumasa sa kongreso sa napakaraming kadahilanan, ayon pa kay Kimmi.

Nang nagpalit ng administration, naging paiba-iba na rin ang House Bill na ini-lobby nila sa mga nakalipas na taon. Ito ay naging HB-836517, 83180, na kung saan doon umano nila naranasan na para kang ahente na nakikiusap, para lamang kunin ang kanilang mga pirma upang maging co-author ng bill. Naging struggle umano nila sa kanilang pagla-lobby ang pag tangging sumuporta ng mga mambabatas, at kung ano-ano ang ikinatutuwiran, dagdag pa ni Kimmi.

Ayon pa kay Kimmi, dapat tayo ang pioneer na bansa sa Asia na kaunaunahang magtatamasa ng kaginhawahan dulot ng ipapasok na pera sa kaban ng yaman kung sakaling naaprubahan na ang pagsasa-legal ng medical cannabis sa bansa. Ang nangyari, naungusan pa tayo ng Thailand dahil sa bilis ng kanilang aksyon.

Sinabi naman ni Dr. Mutia na dati kaunti lamang sila, at kahit anong sigaw at iyak ng mga advocates hindi naririnig.  Kaya nagpapasalamat sila sa mga bagong nag join sa kanilang advocacy sa ngayon partikular kay Dr Richard Nixon Gomez scientist/inventor, at general manager ng BAUERTEK Corp. / producer at sponsor ng Media Health forum. Kasama na rin  ang ilang media na sumusuporta para ipalaganap ang magandang maidudulot ng medical kannabis sa mga maysakit na kababayan natin, sakaling pumasa na ang pagsasabatas nito sa bansa.

Dagdag pa ni Dr.Mutia, na sobrang tagal na ng usapin subalit hanggang sa ngayon ang status ay ganon pa rin. Compassionate special permit pa rin na ang ibig sabihin impostasyon pa rin ang gusto ng mga ibang ahensiya ng gobyerno mag import. Ang main debate sa ngayon ay hindi kung gamot ba ang Cannabis o hindi. Hindi na debate yon,  dahil renerecognize na ng Philippine Medical Association at Department of Health na gamot ang active ingredients ng marijuana, tetrahydro cannabinol at cannabidi-oil. Ang debate umano dito kung gamot at hindi gamot, ang tanong umano dito kung ipagpapatuloy ba ang importasyon lang ba as in o gagawa tayo ng sariling atin na sa ngayon ganon pa rin, ayon pa kay Dr. Mutia.

Sinabi pa ni Mutia, na pinaka importante ang maipakalat ang magandang balita ukol sa magandang dulot ng medical kannabis, na dapat ang mamamayan mismo ang unang nakakaalam.

Nagsilbing host naman sa ginanap na forum si Edwin Eusebio, radio/tv broadcaster.

image

image